labbug

Anaknginsektongkano naman oh! Inatake ako ng amerikanong insekto na di ko mawari kung ano kani-kanina lang habang medyo lutang pa ako sa antok habang nagta-type ng sangkaterbang pinapa-type ni boss mga ilang minuto pagdating ko mula sa pagkakargador muli at pagbubuhat ng mga kahons papunta sa truck. *ubo*ubo*

Pramis, ang bangag ko lang ngayong araw na ‘to. Haha. Kundi ba namankasi nakakaburat tongginagawa kong pagta-type eh baka medyo naka-recover pa ako sa bigwas ng bwakanang antok. Alam mo yung tipong nagtatayp ka ng sobrangbagal tas minsan, ay teka madalas, na yung iniisip ko yun ang naita-type ko imbes na yung mga impormasyong dapat kong itayp. Tangina buti langtalaga di ako napapansin ni boss sa likod ko. Medyo nagba-bounce bounce na yung ulo ko parang ung ulo ng mga asong nilalagay sa harapan ng sasakyan. Para may tumang-tango at sumang-ayon sa nagmamaneho lalo’t wala siyang kausap.

Nampucha half pikit na din pala ako kanina. Sobrang thanks lang sa pagkakargador ko kanina medyo nabuhayan ako ng diwa. Whew! Panalo lang ang [agbibyahe ko ng medaling araw mula vegas pabalik ditto sa opisina. Oh yes, fresh from vegas pa ang inyong lingkod na may bitbit na isang higanteng backpack at isang katamtamang laking soulder bag. Habang nagta-type ako nito, naghihikab ako, may kausap si bosing sa phone kaya tumiyempo akong magblog, baka kako sakaling mabuhayan ako, Whew. Gudlak naman! Teka, maya-maya magkekwento pa ako.

Ingats jan kabayan!

Apir!

0 Response to “labbug”


  • No Comments

Leave a Reply