oh hi frenship

Kagabi tinawagan ako ni Karen. Nangumusta siya ng lagay ko. Namiss na daw niya ako. Taglay niya pa din yung perky niyang boses kasama na yung pagtawag niya sa akin ng “”Frenshiiiiiiiiiiip.” Nagkausap at kumustahan kami saglit, pero gaya ng inaasahan ko, may kailangan siya sa akin kaya niya ako naalala.

Kailangan niya pala yung numero ko at permiso ko para makapag sign-up siya sa isang promo sa internet kung saan maari siyang magkaroon ng libreng cellphone load kapag naipasok niya ang numero ko doon. So kapag na-recruit niya ako, may libreng load ang roaming phone ni ate. Churaniya.

Anyways, natuwa din naman ako kahit papaano dahil nakausap ko siya at nalaman kong may kotse na pala siya.

“Yeeees Freeeeeeeeenship, di ko ba nasabi sa’yo? NAgmamaneho na’ko.”

Nakanang! Bigtime. Dati eh kasa-kasabay ko lang ‘to mag-bus at maglakad pauwi. Nakakotse nap ala ang lola niyo. Wahaha. Mukha netong si Karen. Nung binanggit kong nakalipat na kami ng tinitirhan, humirit ba naman siya na “Ay, kaya pala antagal na kitang hindi nakikita eh.” Churamo ate, nagkokotse ka na kaya. Haha.

Parang kelan lang eh parehong-pareho pa kami ng lagay- naghihintay ng biyaya at pagpapala ng kalawakan n asana maaprubahan an gaming mga kapapelan habang naghahanap kami ng mga makakana at mapapakasalan pero mas pinaboran ng tadhana itong si frennnshiiip. Mukhang natuwa at naaliw sa kanya angtadhana at siya muna ang pinagbigyan. Ngayon, on the way na siya sa kaayusan ng kanyang buhay dito sa bansang ito. Mabuti naman. Hehe. Sana kami din.
Ok din naman na may kotse na siya. Mas makakagala na siya at malamang eh baka sumama na ako sa kanya kapag nagyaya siyang lumabas. Haha.

6 Responses to “oh hi frenship”


Leave a Reply