Sam ma 1

Isang taong gulang daw ako noon, naka-lollipop na kulay pula, may pancit canton curls sa ulo, at mahigpit ang yakap sa may balikat ni ma noong unang umalis siya papuntang Saudi para magtrabaho. Pinatotohanan din yun nung larawang naiwan sa photo album namin sa prubinsiya. Andun ang larawan ng batang ako, bilugan ang mukha, mala-guhit ang mga mata, may subong lollipop at nakayap sa balikat ni ma.

Isang buwan kada taon ang tanging panahong ginugugol ni ma sa amin kapag umuuwi siya ng Pinas. I-minus natin doon yung dalawang taon na ginugol niya sa bansa noong ginawa, pinagbuntis, at pinanganak niya yung kapatid kong babae. Isang buwan sa isang taon, ganyan katagal namin nakakasama si ma.

23 na ako ngayon. So kung umalis siya noong isang taon pa lang ako at nagtigil sa Pinas ng 2 years, at hanggang ngayon ay nasa gitnang silangan pa din siya, you do the math. Yes, ganun katagal ko pa lang nakakasama yung nanay ko. Gayumpaman, mahal ko pa din naman siya. Bagama’t di ko na siya masyadong madama.

Noong grade 1 ako, napahgtanto kong dapat ma ang tawag ko sa nanay ko at pa naman sa tatay ko. Hindi mommy o Daddy kasi pang-mayaman yun. Di naman kami mayaman. Pag Tatay naman o Nanay masyadong pang-mahirap. Mama at Papa parang ang oa lang. Kaya naisip ko, Ma at Pa na lang. Shet bata pa lang pala ako may nalalaman na akong pagsosort ng social class na ganyan. Wag kayong mag-alala. Noon pa yun. Ngayon eh wala na akong pakialam kung anumang itawag ko sa nanay at tatay ko. Pero para sa purpose ng blog entries na ito para sa nanay ko eh tawagin na lang natin siyang Ma.

Ok, so si Ma yung madalas sabihin ng mag tao na kamukha ko daw. Noong bata ako naiinis ako kasi naman ang laging description sa kanya ng tatay ko at ng mga kamag-anak namin eh yung suplada, palaging nakasimangot, etc. You get the drift? Sino ba naman gustong ma-associate sa ganun diba?

SI Ma din kasi yung tipo ng tao na parang andami-daming problema sa buhay. SIguro nga madami, pero siya yung hindi man lang nag e-effort para maikubli ng bahagya yung mga problema niya. Gayumpaman, mahal ko siya.

Mahal ko si Ma kasi di siya kasing pisikal ni Pa kung magalit. ONting kurot, onting bulyaw, keri pa yun eh. DI naman siya namamalo gaya ni Pa. Kaya nga kung papipiliin ako noon kung kanino ako sasama, walang duda at wala nang isip-isip pa, kay Ma siyempre. Andun pa din kasi yung maternal instincts niya na kahit parang pinagsakluban na siya ng langit at lupa eh magaan pa din ang loob ko sa kanya at the end of the day. Yan si Ma, noong mothers; day ang huli naming pag-uuspa. Saglit lang. Wala pang sampung minuto.

0 Response to “Sam ma 1”


  • No Comments

Leave a Reply