Mahilig akong lutuan ni Ma ng lucky me instant mami chicken flavor. Paborito ko yun noong bata ako kasama ng bine-bake niyang pudding cake mula sa mga paluma nang mga tinapay. Kapag wala na siyang maluto noon, mga instant na pagkain ang hinahain niya. Wala akong reklamo doon. Kuntento naman ako at di lumaking malnourished.
Mas gusto ko si Ma noon kasi di niya ako pinapagaltan madalas. Minsan lang ako nakatikim ng bonggang kurot mula s kanya. Yun yung panahong inaya ko yung mga kalaro ko na lakbayin yung mga bagong lagay na tunnels (actually eto yung mga bilog na sementong nilalagay sa mga kanal, cement pipes sa ingles, tosang tawag sa may amin noon) sa gilid ng kalsada. Basta naalala ko isang hapon, since lider-lideran ako ng mga bata sa amin, nag-dare ako sa kanila na pasukin yung canal tunnels hanggang marating namin yung kabilang dulo. Mula sa may lagusan pinakamalapit sa tirahan naming, pinasok namin yung madilim na tunnel. Ilang minute na ang lumilipas pero parang wala pa kaming nakikitang daan palabas. Dahil adventurous kami, wala kaming dalang flashlight. Unti-unti nararamdaman naming yung magtaas ng tubig mula sa paa naming hanggangs amay tuhod hanggang umabot sa balikat namin. Medyo malayo na yung nalakbay namin at mahirap nang bumalik. Nang maramdaman kong nagpapanic na nun yung mga batang kasama ko, pinakalma ko sila at sinabihang itingala ang mga ulo, onting tiis na lang, kapag nakakita kayo ng liwanag, yun na ang lagusan. So pagkaraan ng halos isang oras na paglusong sa hanggang balikat na tubig kanal, nakakita kami ng liwanag. At last! Tangina! Light at the end of the tunel na ‘to! At umahon kami, basambasa sa tubig kanal, nanlilimahid na mistulang mga batang syokoy na nasisilaw sa sinag ng araw. Para din kaming instant artistas. Sa loob ng halos 10 segundo, nakuha naming ang atensiyon ng mga tao. Sa ibang baranggay na pala kami nakalabas. Pag-uwi ko ng bahay, nakabantay si Ma sa pinto. Salubong ang makapal na kilay. Binati niya ako ng isanlibo’t isangkurot mula Aparri hanggang Jolo ng katawan ko. Halong pandidiri at pagkainis ang nakita ko sa mukha niya noong hapong iyon. Agad niya akong hinila sa damit papuntang banyo. Tanda ko pa nung kumuha siya ng hose at pinaliguan ako na parang tuta. Pagkatapos niya akong sabunin at hugasan, kumuha siya ng isang bote ng isoprophyl alcohol at pinusitsitan ang katawan ko. Tangina ang hapdi lang lalo na sa pwet.
Yun na yata ang isa sa iilang intimate moments namin ni Ma. Bukod doon, tahimik naman siya madalas. Magagalit saglit pero di ako pinapalao gaya ni Pa.
Anyways, mahilig sa instant si Ma. Instant food, instant love, instant money, instant noodles at instant solution at instant lusot sa mga problema.
Minsan naikwento sa akin ni Mamang (nanay ng tatay ko) na binalak daw nila akong ipalaglag ng nanay ko noon ng ilang beses. Yes, bagama’t mahal na mahal ko si Mamang at close kami dahil peborit apo niya ako, tinangka pa di nila akong ipalaglag dahil bigla na lang daw inuwi ng tatay ko sa bahay nila sa prubinsiya yung nanay ko na may malaking bukol sa tiyan. Kung ano-ano daw mga gamut ang sinubukan nila para malaglag ako pero sorry, malakas ang kapit ko. Hi earth, I will be Samjuan pa. (tangina so konyo)
Nang magkagipitan noon sap era, umalis ang nanay papuntang abroad. Lumipas ang mga taon at constant na 200 USD ang pinapadala niya sa amin. Mula yun nung unang alis niya ha hanggang huli naming pagkikiita noong 2007. Nang tanungin naming siya kung bakit at kung magkano ba ang sweldo niya at kung saan ba napupunta ang mga pera niya (since nurse siya sa Dubai) eh palagi siyang walang imik. Kung hindi siya iiyak, magkukulong s akwarto, mangbaba ng phone o kaya tatahimik basta, eh magsusulat siya ng suicide note. Why not diba? Naalala ko yung suicide note na sinulat niya noon, din a daw niya kaya at magbibigti na daw siya kundi niya lang kami naisip. Err, owki.
Si Ma yung tipo ng tao na di mo man lang makukuhan ng ni katiting na spak ng hope kapag down na down ka na sa buhay mo. Siya yung parang lagging malungkot, walang opera, pagod, kawawa, pinagsakluban nglangit at lupa, malas, namatanda, nakulam, lahat na. Oy, di ako nag-o-a.a. dito ha. Pramis, pag nakita mo si Mama Juan, para siyang anito ng mga mabibigat na bagay at negatibong element sa earth. Ewan.
Panalo lang kapag umuuwi siya noon sa Pinas, imbes na mamasyal kami at gumala gala kasi nga may bagong dating galing abroad kang nanay eh wag ka, mas madalas pa kami sa bahay. Yes. Kay ma ako natuto kung ano ang irony. Madami daw siyang utang na binabayaran. Wala daw siyang pera. Sa bahay na lang daw kami.
Kapag tinatanong niya ako kung ano ang gusto kong ipabili sa kanya, mapa-sa telepono man yan o mapa-personal, ang palagi kong sagot ay wala. Eh wala naman kasi akong aasahan. Isa pa, alam ko na kahit hindi niya ako bilhan ng mga gusto ko,eh makaka-survive naman ako sa buhay. Si Ma ang nagturo sa akin na iappreciate kung ano meron ako.
Well, binibilhan naman niya ako noon ng mga gusto ko. Nang sinabi kong gusto ko ng isang set ng faber castell na coloring pens at pencils, makakatanggap ako ng isang set nga, pero yung tipo ng mga color pens at pencils na nabibili sa divisoria, yung mabilis mawalan ng tinta at kulay. Nang minsan namang nagpabili ako ng robot na nabubuo, ayun, binigyan naman niya ako. Iba nag lang pangaln, hindi ko kilala. Pero in fairness, nabubuo naman yung robot mula sa mga hayop.
Matagal-tagal na din nang huli kaming magkita at mag-usap ni Ma. Namimiss ko na yung luto niyang lucky me instant mami chicken flavor.

namiss ko din bigla mama ko.. salamat kabayan, napangiti at napaluha mo ako sa blog mong ito.
PS.
bumili ako ng kaparehong pabango ng mama ko at yun na ang ginagamit ko ngayon para lagi ko sya naaamoy.