
Oha, may naipost din akong larawan mula sa aking lumang telepono. Hehe.
Diyan ako madalas kumakain kapag hindi ako nakapag-agahan sa bahay dahil walang nalutong agahan, na-ate ako ng gising o kaya di ko trip ang pagkain. Quickie meals ang offer ng tindahang iyan. malayong-malayo ang Yoshinoya na yan kesa sa Yoshinoya sa Pinas. Diyan, sadyang mga beef at chicken bowls lang ang tinitinda. Yung Yoshinoya sa PInas sushaling Japanese resto. Dito, ang Yoshinoya, parang slightly sushal na neighborhood fastfood joint. Yang branch na yan eh ilang tambling lang mula sa hagdan papunta sa subway station. Sa umaga, bibihira ang kumakain diyan. Wala naman kasing masyadong kaaya-aya sa lugar. Pero ok na din, pwed ena kahit amoy Bleach ang sahig madalas dahil sa kalilinis ng janitress/kahera/serbidora. Oo, iisang tao lang sila. Wag ka, habang naglilinis ng pintuan si ate, tapos bigla akong papasok para umorder ng Beef Bowl, agad siyang pupunta sa counter para kunin ang order ko tapos siya din ang seridora mo. Oha! All around. Hehe.
Ung 3 Dollars something na beef bowl nila ay siksik ng kanin at medyo malasa na din kaya pwede nang agahan sa busy na araw na paparating,

Damn!! Yumm! *sigh*
LOL yoshinoba? yohinoga?
YOSHINOYA!! haha :p