Kakabalik ko pa lang sa desk ko galing sa pagbubuhat ng mga kahon kahon sa kung saang warehouse papunta sa bodegasina naming. O diba nakapagblog ako agad kahit may slightly amoy pawis scent pa ako. Hehe. Naman! Start na ata ulit ng pagiging kargador ko dito.
Kanina kasi habang nagchecheck ako ng emails ng big bosing ko eh bigla nila akong pinatawag sa bodega sa baba. Kailangan ko daw sumama sa kanila (sa pinsan ni boss n feeling boss at kay Riki na taga-bodega) para mag pick-up ng mga boxes sa warehouse nung customer na hindi na daw kayang magbayad at may libo-libong dolyares nang utang sa kumpanya. So ako naman inihanda ko na siyempre ang sarili ko. May naririnig akong ele-elevator na usapan sa malamang asa mataas na lugar yung mga boxes.
Edi ayun na nga, sinakay nila ako sa truck. Sa likod ng truck. As in yung likod na walang binatana ah, ganun. Doon, kung saan para kang nakakulong sa oven, agad tumagaktak yung mgabutil ng pawis ko mula sa kung saan-sanag parte ng katawan. Para ka lang nag-sauna. Panalo lang. Pagkaraan ng ilang mga hinto, atras abante at biglang preno, dumating na kami sa warehouse na pagkukuhanan naming ng mga boxes.
Unang stop naming ay yunglumang elevator. Di naman kalumaan, pero madumi yung loob tapos kulang kulang yung ilaw na puno ng scratches ang mg ahalong bakal at kahoy na walls. Edi ayan na ano, paakyat na kami nan biglang tenennnnnnnnn-huminto yung elevator sa gitna ng malaykokungsaangfloor tapos nawala yung mga ilaw na nag-iindicate kung nasaang floor ka na. Di naman ako kinabahan. Naghintay lang ako ng mangyayari. Si pinsan ni boss, oa lang sa pagpindot ng mga buttons sa elevator. GUmalaw yung elevator. Pero pababa. Yung biglang bagsak tapos hihilahin ka ulit bigla pataas sabay hinto agad. Ganun. Halos 10 minutes kaming ganun. Keri lang, gumana naman ulit ang elevator at nakalabas kami.
Nang marating naming ang warehouse, ayun, may halos isang kwarto ang dami ng mga karton na kukunin naming. Ok, muscles flex time.
Noong nakaraang taon nang una akong magkargador dito sa Amerika, pa-bibo ako. Sige buhat ditto, buhat doon. Ayoko kasi magmukhang mahina. Pero nang mapansin kong umaabuso na sila at hindi man lang kumuha ng mga mamang kargador na malalaki ang katawan para magbuhat ng sangkaterbang mga kahon eh naisip kong dapat nang tumeknik. Bago pa man sabihin sa akin ni Riki eh naisip ko nang unti-untiin ang mga bubuhatin ko kahit kaya ko naman talaga silang buhatin nang sabay-sabay. Mabisa ‘to para malaman nila na di ka naman ganaong malakas. Hellow, ako na ang utusan sa opisina kargador pa ako sa bodega. Sabi nga, dapat alam mo kung kelan ka magmumukhang mahina at kelan ka magmumukhang malakas. You have to learn how to play your game. Kapag alam kong padating si big boss, dinadamihan ko yung mga binubuhat ko para makut aniyang nage-effort ako. Siyempre ipapakita kong willing akong kayanin lahat although hindi talaga kaya ng katawan ko. I mean, yung mukha mo dapat puno ng enthusiasm tapos desididong desidido ka sa pagbubuhat, ganun dapat ang aura mo, tapos yung katawan mo eh medyo hinang-hina ng onti at pa-lampa lampa. Yun bang tipong pa-bibo ka na mukhang mahilig magsakripisyo kahit na pati buhay eh itataya magawa lang ang trabahom ganun. It takes acting skills beybeh! You fake it till you make it para maawa sa’yo ang big boss at ma-realize niya na awww, ambait naman nito, tapos patitigilin ka na niya sa ginagawa mo. Sasabihin niya magbantay ka na lang sa isang sulok, ganun. It worked for me. Try mo din yung ganung teknik sa trabaho mo kabayan. Malaya kang i-modify. Syempre titimplahin mo muna ang mga bagay-bagay hano. Abilidad at diskarte, ika nga.
Basta kahit sa anong bagay na gagawin mo, tignan mo muna dapat bawat anggulo tsaka ka dumiskarte. Di din naman pwedeng sunod-sunuran ka na lang ng basta basta. Ako nga noong una aapila dapat ako kasi parang hello kung ano-ano na lang pinapagawa nila sa akin dito pati pagkakargador. Mantakin mo, kahit na topakin pa sila at taasan ang sweldo ko dahil sa efforts ko sa pagbubuhat eh kulang pa din yun kapag napuruhan ako o nagkasakit (na wag sanang mangyari juskupo). Sa bills pa lang sa pagpapa-check-up hanggang sa ospital mismo mamumulubi ka na eh. Eh olats ako kasi ala naman akong mga medical insurance at wala din akong malaking pera kung saka-sakaling mapuruhan ako dito. Minsan nga nabagsakan na ako ng dalawang higanteng kahon sa may likod noong nagbubuhat ako. Buti naka-ilag din ako agad kaya bahagya lang akong natamaan.
Pagkaraan ng ilang oras, nahakot din namin ang mga kahon at naibalik sa bodega. Yung pinsan ni big boss na malaki ang katawan at matangkad, ayun, umalis an at umakyat sa kwarto niya, iniwankami ni Riki para mag-ayos at magbuhat ng mga kahons. Awa naman ngkalawakan, naayus naming ng matiwasay ang mga kahons at di naman ako gaanong napagod. Siguro dahil medyo nasanay na ang katawan ko sa buhatan at hakutan.
Buti nga lampas na ako sa phase ng pages-self-pity dahil ako eh kumakargador dito sa Amerika. Oo, sa kasawiang palad nagkaroon ako ng ganung stage. Pero ok lang, di hamak namang mas malaki yung sweldo ko dito kesa sa Pinas noon, isa pa, di naman to panghabambuhay.
Whew. Bertdey pala ni Riki ngayon. Magpapapartey siya sa Sabado.

ganyan pala ang istilo ng kargador sa US
hindi rin pala biro mag trabaho sa amerika…. ok lang yan kabayan tiis tiis lang may araw yayaman rin tayo… =)