tres

Kaninang madaling araw eh naaliw akong makipag voice conference chat sa mga dtai kong kaibigan noong kolehiyo na OFWs na din. Yung isa stewardess na palipad-lipad at naka-land ngayon sa Frankfurt, Germany, yung isa naman, Empleyada ng isang sports related company sa Singapore. Panalo lang sa tawanan, kulitan at kumustahan. Mantakin mong mula 11pm hanggang 330am kaming nagkwentuhan at nagtawanan tungkol sa mga karanasan namin bilang mga trabahador sa ibang bansa.

Si Ms Singapore, nagkwento ng mga kababayan nating nasapian ng crab mentality na pilit na angpapabagsak sa mga kapwa Pinoy sa kumpanya nila. Si Ms Frankfurt naman nagkwento ng mga karanasan niya sa iba’t ibang bansa. Mula sa Qatar hanggang sa Alemanya hanggang sa kung saan-saan pa. Payo niya, mag-ingat sa kapwa Pinoy. Heto na naman tayo. Nakakalungkot pero totoo. Mag-ingat sa kapwa Pinoy kasi kahit sanag panig ng mundo, madalas bungad ng maraming kapwa nating Pinoy sa unang pagkikita eh- “Kelan ka pa dito? May papel ka?” “Magkano sweldo mo?” Panalo sa unang hirit diba?

Pero siyempre, sa kbila ng lahat ng mga mumunting kwento’t hinaing na ito, napagtanto namin na wala kaming karapatang magreklamo pa sa buhay. Alam mo yun, lalo na sa panahon ngayon na ang hirap humanap ng trabaho, at sa panahon ngayon na mahirap talagang kumita ng pera. Sabi ko na nga langs a kanila, at least may mga trabaho tayo at kahit papaano nay kumikita ng mas malaki. Ako aminado ako doon. Kumpara naman sa sweldo ko noong wala pang sampung libong piso kada buwan sa PIlipinas eh di hamak na mas malaki ang sahod ko ngayon.

Nakakagaan lang din ng loob na makausap yung mga dati mong kaibigan na alam mong nagtatrabaho din sa ibang bansa. Nakakamiss ang mga loko. Usapang pang-matanda na daw ang mag pinag-uusapan namin. Usapang seldo, trabaho, usapang OFW. Samantalang ilang taon pa lang ang nakakalipas eh mga usapang gimik, lovelife, papers, thesis, manuscript at exams ang madalas bukambibig naming lahat. Whew. Nakaka-miss. Pero gaya nga ng resolution namin bago kami magpaalam sa isa’t-isa kagabi, we must move forward sa buhay. Balang araw eh makakamit din namin ang tagumpay at pwede ulit kaming magkita-kita sa inuman habang nagkekwentuhan ng mga bagong kabanata sa aming mga buhay-buhay.

2 Responses to “tres”


Leave a Reply