Monthly Archive for June, 2009

amoy araw ma ma se mama sa ma ma sa masa

Chura ng araw dito kala mo kung sino kung makapangtusta ng balat! Hmpf. Anlakas pa niya magbigay ng amoy ah.In al fairness, amoy araw na ako. Hindi amoy pawis ha, amoy araw. Magkaiba yun. Continue reading ‘amoy araw ma ma se mama sa ma ma sa masa’

Sigh

OK na ako. Busog ako sobra. Sa noodles, sa sushi, sa imahe ng mga numerong paulit-ulit kong kinakalkal, sinusuri, sino-solve, ina-analyze at tina-type maghapon kahapon. Busog din ako sa hypnotic na imahe ng mga kargador na naglo-load/unload ng mga kahon muila sa isang 20 wheeler truck papunta sa isa pang 20 wheeler truck tapos sa bodega tapos sa truck tapos sa bodega. Yes, kargador/sekyu mode na naman ako sa bodegasina. Busog din ako sa imahe nung manong na MexiKano na kamukha ni Paquito Diaz na ngiti ng ngiti sa akin kada magbubuhat siya ng kahon. Kailangan talaga ngingiti ka pa sa’kin kuya? Churamo. Oh well, busog din ako sa pagmamahal. Continue reading ‘Sigh’

haw haw de batuten

Lulong ako sa binabasa kong libro habang payapa akong  nakaupo sa bus nang bulabugin ako ng penpen ng babaeng mabuhok ang hita sa tabi ko. Oo, yung penpen niya, dinidikit niya sa balikat ko Continue reading ‘haw haw de batuten’

Take it easy man

Siguro naramdaman ni bigboss yung halong inis at galit ko kahapon nang basagin niya ang kaligayahan ko nung sinabi niyang di daw muna ako pwedeng umuwi.

“Stay!” sabi niya. Bagama’t di naman niya yun sinabi na parang sa aso, nainis pa din ako kasi hellowww uwian na nampucha. Bagot na bagot na ako kahapon dahil wala pa naman masyadong ginagawa sa bodegasina and then teneeen, wag daw muna akong uuwi. He needs me daw. So ok, binaba ko ulit yung bag ko, at binalik yung pogi shades ko sa desk. Tinanong ako ni bigboss kung kelangan ko daw bang habulin ang bus. Sumagot ako ng tumataginting na YES! Pinaliwanag ko na halos 2 hours ang byahe ko pauwi at kapag mga 7 na ako nakasakay ngbus eh mga 10 na ako makakauwi. Habanglumalalim kasi ang gabi, eh lumalaki ang agwat ng pagdating ngmga bus sa stations. Tipong mga 30mins intervals na ganun. Kapag hindi ka nakasakay o na-miss mo lang ngkahit 5 seconds yung bus, wala ka, olats ka, iyak ka na lang sa bus stop o kaya makipagkwentuhan sa mga naiwan ng bus.

Continue reading ‘Take it easy man’

Sa divisoria ng tate

Sa maniwala kayo at sa hindi, para lang akong na-teleport bigla sa divisoria kanina noong nagdedeliver ako ng catalogs. Andaming tao. (Pero wala pa ding tatalo sa siksikan ngmga tao sa divi) Sari-saring mga tao. Pandak, matangkad, katamtaman, mamasel-masel, super maskulados, seksi, ma-joga, jobels (joga sa bilbil), mataba, payat, mabaho, mabango, medyo mabango, amoy prutas, amoy pagkain na tao (yuck), mga maporma, mga Mexi-Kano, Koryanos, Pinoys, Bumbays, Mid-easterners, Iranians, mga blondes, brunettes, redheads, at maraaaaaaaaami pang iba. Diversity na ito.       Continue reading ‘Sa divisoria ng tate’

sabaw

Hindi, hindi ko ikukwento ngayon kung gaano ako nainis sa bigbossing ko. Hindi ko din ikukwento kung gaano siya katanga at pinagmumuha akong tanga hanggang sa kinalaunan eh siya din naman ang nagmukhang tanga dahil tatanga-tanga naman talaga siya. Wooh! Medyo kumulot ang buhok ko sa kili-kili dahil sa kanya. Lunes na lunes eh. So ayun nga, hindi, hindi ko siya ikukwento sa inyo mga kabayan dahil shushunga-shunga siya. Teka, kain muna kayo ng niluto kong sinigang na salmon. Mmmsarap ng sabaw. Continue reading ’sabaw’

Today, call me Johnny

After 10,000 Million years, tumawag din si Ma. Nasa PInas nga pala siya ngayon. Umuwi siya mula sa Dubai para bisitahin si Lolang isa na nanay niya, Naaagnas na daw kasi yung mga paa. Tumawag siya para i-confirm kung natanggap ko daw ba hyung pinadala niyang birthday greeting card sa Yahoo Messenger. Sabi ko oo, salamat. Although hindi ko naman talaga nabasa kasi nung pinadala niya yun eh naiwan kong bukas ang YM ko sa opisina over the weekend at shempre, nung binuksan ko yung YM dito sa bahay, nawal ana yung pinadala niya, di ko na nabasa. Naimagine ko na naman eh, Happy Birthday. Ayun, solb na ak doon. Sabi ko nga sa kanya, marinig ko lang ang boses niya ayus na. Bihirang-bihira kasi tumawag si Ma. Tipid kung tipid eh. Anyways, nasabi ko na bang matipid siya at kadalasan ay wala sa lugar ang pagtitpid niya na tulad na lamang ng pagtawag niya sa akin kanina na wala pang limang minuto ay naputol na ang linya?

Continue reading ‘Today, call me Johnny’

Araw ng akala-yaan at shits

O, bago ang lahat, nabasa mo na ba ang Declaration of Philippine Independence kaugnay ng pagdiriwang ngayon ng araw ng kalayaan sa bansang mahal nating mga Pinoy? Ang tanong, (mukhang 111 years na ata ‘tong tanong na ito) Tunay nga ba tayong Malaya? Ano ba ang kalayaan para sa mga Pilipino? Yung uso bang kalayaan ngayon eh yung panandalian at pansariling kalayaan lamang? Sapat nab a yung Masaya tayong nakakapanood ng mg apaborito nating drama at chismis sa TV, nakakapag-internet, nakakapag-shopping, nakakapag-mall, nakakagala sa kung saan-saang pa-concerts, at nakakabili ng coke sa tindahan para masabing Malaya tayo? Napakarami nang nagtanong, nagbigay ng depinisyon, nagpahayag ng saloobuin, nakipaglaban, at nanindigian para sa kalayaan, pero mas marami pa rin ang kebs lang. Wapakels ba. Kalayaan? So vague daw. Kalayaan? So political. The?!. Nampuchanggala. Paano nag kaya at kelan makakamit ng mga Pilipino yung kolektibong kalayaan bil;angisang sambayanan? Hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm.

Continue reading ‘Araw ng akala-yaan at shits’

Akala ko Biyernes na

Sala sa init, sala sa lamig yung shower naming sa nalipatan naming apartment. Tsambahan ang timpla. Andiyang akala mo maligamgam na yung tubig, pero maya-maya, kundi malalapnos bigla yung balat mo eh para ka namang binuhhusan ng nagyeyelong tubig dahil sa dagling pagbabago ng temperatura.

—-

Ipis? Ano yun? Alien daw yun sa Tate. Continue reading ‘Akala ko Biyernes na’

jesus, the journey, at swine flu

Kaninang umaga may nagbabalita ng showbiz ek  ek sa local news. Pakontes ata para makakuha ka ng libreng tickets sa concerts. Anyways, binanggit na niya yung mga magkokonsert. Coldplay, Journey, etc. Sa bawat konsert at detalyeng binabanggit niya, may pinapakitang video. Sa kaso ng Journey, lumang video ang pinakita kung saan si Steve Perry pa ang bokalista. Ok lang sana eh, kaso humirit pa tong si mokong na reporter. Ang sabi, “Oh, and here’s Journey. That’s Steve Perry right there, not the fake one.”

Ok, I shut up now.

—–

Continue reading ‘jesus, the journey, at swine flu’

Con-ass my ass

Sabi na nga ba masamang pangitain ang paghahain ng mga kaguluhan hinggil sa hayden camera scandals na kumalat sa inarnets eh. Ayan ayan, kaninang madaling araw dito, kagabi sa Pinas, gumuho ang natitirang mga pundasyon ng paguho nang demokrasya ng PIlipinas- Inaprubahan ng walanjong Kongreso ang Con-Ass (Constitutional Assembly). Wooh. Nakakakulot to ng buhok sa kili-kili pramis.

Wala namang mali sa Charter change, sa constitutional assembly. Ang mali, yung timing. Para bang nananamantala ang mga nasa pusisyon sa pagkakataon. Walang mali sa pagpapalit, pagsasaayus at pagbabago ngilang mga naksulat sa konstitusyon kung para ito sa ikabubuti ng bayan. Pero kung para lang sa ikabubuti ngiilang nakaupo sa pusisyon, naku, maling maling mali. Ang mali dito, kasabwat ang pangalan ni GMA. Tsktsk.

Ano ba yung sinasabing House Resolution 1109?

Continue reading ‘Con-ass my ass’

luhunes

Kanina ko pa nilalanghap yung amoy ng Kleenex tissue sa may ilong ko. Yun na langkasi angtanging manipis na layer ng proteksyon ko laban sa walang humpay na pagyoyosi ng pinsan ni bossing sa loob ngopis. Hello, naka aircon po kami at con todo yosi pa din si gago. Trip na ata ni mokong mapabilis ang trip to afterlife. Ok lang kung siya lang eh.anakngteteng nandadamay pa.

Continue reading ‘luhunes’