Akala ko Biyernes na

Sala sa init, sala sa lamig yung shower naming sa nalipatan naming apartment. Tsambahan ang timpla. Andiyang akala mo maligamgam na yung tubig, pero maya-maya, kundi malalapnos bigla yung balat mo eh para ka namang binuhhusan ng nagyeyelong tubig dahil sa dagling pagbabago ng temperatura.

—-

Ipis? Ano yun? Alien daw yun sa Tate. Wala daw nun dito. Weh di nga? Nung bago pa lang kami dito, kwento ng mga kababata ni Itay na wala daw ipis dito, di nagba-brownout etcetera. Sobra silang bilib sa Amerika. Eh bakit ganun? Yung apartment na nilipatan namin, kahit maglinis ka pa minu-minuto at maglagay ng sandamakmak na pamatay ipis, eh sadyang paboritong spot na ata ng mga amerikan ipis. Feeling ko iniipis na din yung mga kapitbahay naming eh. Panalo lang, may ipis of all sizes pramis. Iba-iba din sila ng shapes. Merong mga mababagal gumapang, meron din namang maliliksi. Oh well, sa ngayon, sanayan muna. Di pa naman nila ako ginagapangan habang natutulog. Matino pa ang co-existence namin kahit papa’no.

—-

Summer na dapat ngayon pero wag ka, naka jacket ang mga tao kasi biglang lumamig, palaging makulimlim at madalas umuulan. Nagpapaka-mysterious ang panahon. Unpredictable na daw siya.

—-

May nabasa ako kahapon tungkol sa sinabi ni plato na meron daw male/male, male/female, at female/female tapos hinati daw ng diyos yung mga tao at naging dalawa na lang. male/female na lang daw. Walang eksaktong nakakaalam kung bakit. Yun daw ang naging dahilan kung bakit patuloy na naghahanap ang mga tao ng kanilang kapareha maging male o female man ito.

—-

Nararamdaman ko malapit na ang kargador season ko dito. *flex muscles*

3 Responses to “Akala ko Biyernes na”


  • good luck sa kargador season.

  • sa dubai, mula nugn dumating ako hanggang sa makaalis, hindi ako nakakita ng ipis at langgam..so, nugn andun ako, bigla ko silang namiss.. walang sense lang diba?

    at mag take ng energy drink para may power pagdating ng kargador season

  • ayos yan para ka ng nag gym- libre na may sahod pa. kaya lang watch your back. pag di mo kaya binubuhat mo ibagsak mo. hwag lang sa paa mo ha, lalo na wala kang safety shoes na suot na pasunod ng mabait mong amo. haha …

Leave a Reply