Chura ng araw dito kala mo kung sino kung makapangtusta ng balat! Hmpf. Anlakas pa niya magbigay ng amoy ah.In al fairness, amoy araw na ako. Hindi amoy pawis ha, amoy araw. Magkaiba yun. Malamig naman yung hangin kanina kahit na nakakaloko ang pangungurot ng sikat ng araw sa balat. Tagabantay kasi ako ng ibang mga kargador kanina. Sabi ng bossy bosses, bantayan ko daw sila baka may nakawing kahon sa mga shipments. Owwkey. As if naman mabubuhat nila palabas ng gate yung 20++ kilos each na kahon.
Anyways, di ba kayo nagtataka kung saan nanggagaling yung amoy na dinudulot ng araw sa tao? (O, wag masyadong seryoso) Alam mo yung amoy ng mga bata na nabilad sa araw? Ganun. Again, yung di amoy pawis ha? Basta yung pure, virgin, unadulterated amoy ng araw. Mmmmamoyarawka! Kapag di ka naging batang gala o kaya sushalin kang tao at pinangingilagan mong tuna yang araw, eh malas mo, di mo siguro lam yung pure, virgin, unadulterated amoy ng araw. Panalo lang ang araw no? Di lang sunog sa balat ang ibibigay niya sa’yo, bibigyan ka din niya ng bungang araw tas kapag malas-malas ka, mga kuto at lisa. Oha, sige nga, paano nabibigyan ng araw ng mga kuto at lisa ang mga tao ng basta basta? Hehe.
—-
Tamang sidetrip sa di ko pa napupuntahang mga lugar ang moda ko kaninang umaga. Pa’no ba naman, sa ibang bus ako nakasakay at sa ibang ruta pala siya dadaan. Kaya pala habanag nakasakay ako eh parang nasa ibang lugar na ako. Nung una in denial pa ako eh. Sabi ko, naku, baka naninibago lang ako kasi madalas natutulog ako kapag nakasakay ako sa bus papunta sa istasyon ng tren. But noo! Hindi ako nakatulog kanina mula nang ma-realize kong ibang bus pala ang nasakyan ko. Lintek. Sabi pa naman sa akin agahan ko daw ang pagpasok ngayon kasi may aayusin kaming mga mahahalagang files sa trabaho.
Yan ang hirap dito sa Tate eh.nakakaloko ang busses at bus scheds. Pare-pareho pa ng itsura yung mga bus. Kapag namali ka langng sakay, deds ka na. Well, not really, basta deds ka na for a while, ganun. Paano ba naman kasi, pula yung bus na sasakyan ko, may dumating na pulang bus. Sa pagkakaalam ko, isang pulang bus lang ang dumadaan doon sa stop na yun. Aba malay ko ban a may naligaw palang bus doon na nagre-route kaya ayun, namali ako ng sakay. Buti na lang, ang huling stop niya eh malapit sa sakayan ng bus na papunta sa bodegasina. Whew.
10 minutes lang akong late.
Wag ka, di eto ang unang beses na nagkamali ako ng sakay sa Amerika. Mamya ikukwento ko.

Well dito sa Arabian Gulf, mas matindi ang init ng araw, lalo pa ngaung summer season, umaabot ng above 5o degrees celcius.
My friends are right, you have a neat site, and we would like to invite you to join PEBA 2009 (http://pinoyblogawards.blogspot.com/). You may please visit PEBA site to find more on how to submit an entry. It’s an honor for us OFW to see your site posted there.
Life is Beautiful. Keep on Believing.
God bless you.
Wah ang init nga kabayan! Wooh!
Salamat sa paanyaya sa PEBA. panao ba magsumite ng entries? Di ko magets masyado eh hehe
Wala yan sa init dito 55 degrees, pero di ka mamawis, mamumula ka lang!
Ayos kwento mo nakakatuwa
Ingat
Drake
Salamats naman at natuwa ka kabayang drake!
Sa saudi nga pala ako kabayan!
Diyan dati ang nanay ko! hehe