Con-ass my ass

Sabi na nga ba masamang pangitain ang paghahain ng mga kaguluhan hinggil sa hayden camera scandals na kumalat sa inarnets eh. Ayan ayan, kaninang madaling araw dito, kagabi sa Pinas, gumuho ang natitirang mga pundasyon ng paguho nang demokrasya ng PIlipinas- Inaprubahan ng walanjong Kongreso ang Con-Ass (Constitutional Assembly). Wooh. Nakakakulot to ng buhok sa kili-kili pramis.

Wala namang mali sa Charter change, sa constitutional assembly. Ang mali, yung timing. Para bang nananamantala ang mga nasa pusisyon sa pagkakataon. Walang mali sa pagpapalit, pagsasaayus at pagbabago ngilang mga naksulat sa konstitusyon kung para ito sa ikabubuti ng bayan. Pero kung para lang sa ikabubuti ngiilang nakaupo sa pusisyon, naku, maling maling mali. Ang mali dito, kasabwat ang pangalan ni GMA. Tsktsk.

Ano ba yung sinasabing House Resolution 1109?

Ito yung isa sa mga panawagan ng kongreso para makapagpulong sila at makabuo ng isang Constituent Assembly.

Ang kaibahan ng 1109 sa ibang mga panawagan ng kongreso, ay ang panawagan nito na mabigyan ang lower house (basta may sapat na bilang) ng kapangyarihan para magbigay ng mga proposals, at aprubahan ang mga pagbabago sa konstitusyon kahit na wala silang paalam sa senado.

Ang isa pang kaibahan nito sa ibang resolusyon- hindi ito nagpo-propose ng kahit anong partikular na pagbabago sa charter.

More dito.

Sana may gawin ang mga tao dito. Sana naman mabawasan yung mag nagsasabi na pagod na sila sa pulitika, sa rallies, sa pagrereklamo, sa pakikialam sa bayan kahit na wala pa naman silang nagagawang alinman sa mga nabanggit na hakbang ever. Sana di pa lamunin ng lupa ang Pinas.

Uuwi pa ako. Anakngteteng umayos ka nga Philippine Government!

2 Responses to “Con-ass my ass”


  • ai sowi, hindi ko napansin, pareho tau ng titol ng entry about con ass, pero dahil yun sa nangyaring rally contra con-ass kahapon sa ayala. aun. ngaun ko lang nabasa ulit blog mo eh. sabi ko parang pareho. k lang ba? mag kaiba naman laman wag ka mag alala. anyway palink po ha… tnx.
    lagi ko po binabasa blog mo. parang sarap dyan tumira. hehehe
    need ba nila ng taga walis dyan sa opis mo?
    peace \m/
    rock on…
    you inspire me a lot, kung bakit ako nag start mag blog. hehehe…

  • As a political science student, i am concerned of what is happining today. Con-ass is not the solution to the main problem which we encountered rather for more sufferings. I am against to con-ass simply because it is doubtful, there’s no exact provision of the constitution which is to be ammended. The Congress passed it in rush and violate the bicameral nature of congress because they made it a senateless. One of the objective of con-ass is to kill our democracy because our government will be changed to parliamentary. the democracy we enjoyed today is because of our heroes who fought for it. Stop Con-ass, Defend Demcocracy.!

Leave a Reply