jesus, the journey, at swine flu

Kaninang umaga may nagbabalita ng showbiz ek  ek sa local news. Pakontes ata para makakuha ka ng libreng tickets sa concerts. Anyways, binanggit na niya yung mga magkokonsert. Coldplay, Journey, etc. Sa bawat konsert at detalyeng binabanggit niya, may pinapakitang video. Sa kaso ng Journey, lumang video ang pinakita kung saan si Steve Perry pa ang bokalista. Ok lang sana eh, kaso humirit pa tong si mokong na reporter. Ang sabi, “Oh, and here’s Journey. That’s Steve Perry right there, not the fake one.”

Ok, I shut up now.

—–

May aleng African-American na mataba na may maikling buhok na may screaming violet na damit ang lumapit sa akin kanina habangnaghihintay ng bus sa downtown. Noong una eh mga matatamis na ngiti lamang ang sinusukli ko sa pagbuka ng bibig niya. Sorry na. Di ko sha madinig nakikinig ako ng soundtrack ng Wicked. Nang marealize ko na may sinasabi siya, inalis ko yung isang earbud tapos sabi niya, “Great day” (ngiti) “Do you believe in Jesus the son of God?” (ngiti) Shempre walang atubili  naman akong sumagot ng “Yes, I do.” (ngiti)

(ngiti) Umalis si ate. Muling nagpatuloy ang tugtog sa tenga ko.

—–

May swine flu daw sa La Salle. May swine flu na sa Pinas ilang araw na ang nakakaraan. Sos. Dito noonpa may Swine Flu. May ilang nadapuan pero asana ang swine flu ngayon? Wala na. Natabunan na siya ng iba pang mga nagbabagang balita sa pulitika at showbiz. Wala namang masyadong natamaan dito eh. Sa pagkakaalam ko, ang mga nadadapuan ng swine flu eh yung may mga mahihinang resistensiya sa katawan at may mga sakit na (flu, lagnat, etc) bago pa man sila magka-swine flu. Sa tingin ko, walang dapat ikabahala sa H1N1 na ito lalo na sa Pinas. Basta maghugas lang palagi ng kamay, maging malinis sa katawana t sa paligid na ginagalawan at shempre alagaan ang sarili nang lumakas angimmune system, eh lalayuan ka ng swine flu.

Hindi kelangan mag-panic ng mga Pinoy sa swine flu. Mantakin mo n lang, halimbawa taga-Maynila ka, isipin mo nga kung paano ka nagsu-survive at nagko-cope sa pang araw-araw na pakikisalamuha at pakikipamuhay mo sa ssamu’t-saring mga dumi, baho at sakit kung saan-saan. Kung taga prubinsiya ka naman at taga liblib na lugar, maswerte ka pa din. Malinis pa ang hangin diyan. Mas ok kesa sa lungsod. Mas may mataas kang chance para malabanan ang swine flu. Kaya kamon mga kabayan, wag matakot horayts?

Oink.

2 Responses to “jesus, the journey, at swine flu”


Leave a Reply