luhunes

Kanina ko pa nilalanghap yung amoy ng Kleenex tissue sa may ilong ko. Yun na langkasi angtanging manipis na layer ng proteksyon ko laban sa walang humpay na pagyoyosi ng pinsan ni bossing sa loob ngopis. Hello, naka aircon po kami at con todo yosi pa din si gago. Trip na ata ni mokong mapabilis ang trip to afterlife. Ok lang kung siya lang eh.anakngteteng nandadamay pa.

Na-late ako kanina kasi ba naman lumampas ako ng station na binabaan sa subway train. Kasi ba naman nakatulog ako at nanaginip nang nanaginip ako at mahimbing ang tulog/ Kasi ba naman may moda pa ng dream within a dream. Ang lalim- ng tulog ko. Demet. Ayan, lumagpas ako.

Si Kuya Jay, yung kaisa-isangkasama kong Pinoy ditto eh nagkwento tungkol sa isa sa mga tinulungan niyang Pinoy. Nagpautang daw siyang halos 6k para mapaayus yung buhay netong si kabayan natin na ‘to. Yah knows, para sa kapapelan etc. And then, nang lumabas ang work permit nitong si tinulungan na Pinoy, tenen, bglang nagmamalaki daw kay kuya. Humihingi daw siya ng favor pero nagpapabayad si pinautang. (take note, may utang pa siya). Tas sabi daw ni kuyang pinautang na kapag nagkapapel daw siya, madami daw siyang mga pagsisipaing tao. (Katakot ang angst. Parang repressed lang siya ng kabataan niya. Haha)

Meron pang isa eh, kinupkop, inaruga at inihanap ng trabaho ni Kuya and Friends and then nung nagkapapel na itong si kua Pinoy na kinupkop inaruga at inihanap ngtrabaho, iniwan nalang sila bigla na parang wala lang. Yes, wala lang. Parang silent utot, ganun. Wala lang.

Teary-eyed si Kuya Jay habang kinukwento ang mga bagay na ito sa akin.

5 minutes uwian na ulit. Maulan kaninang umaga. Maambon lang pala. .

Parang porcupine ang buhokko kanina.

2 Responses to “luhunes”


Leave a Reply