Sa divisoria ng tate

Sa maniwala kayo at sa hindi, para lang akong na-teleport bigla sa divisoria kanina noong nagdedeliver ako ng catalogs. Andaming tao. (Pero wala pa ding tatalo sa siksikan ngmga tao sa divi) Sari-saring mga tao. Pandak, matangkad, katamtaman, mamasel-masel, super maskulados, seksi, ma-joga, jobels (joga sa bilbil), mataba, payat, mabaho, mabango, medyo mabango, amoy prutas, amoy pagkain na tao (yuck), mga maporma, mga Mexi-Kano, Koryanos, Pinoys, Bumbays, Mid-easterners, Iranians, mga blondes, brunettes, redheads, at maraaaaaaaaami pang iba. Diversity na ito.      

Andaming mga nagbebenta ng mga laruang de-baterya at de-susi (mga aso, tuta, kuneho dinosaur atbp) sa tabi-tabi. Naglipana yung mga nagbebenta ng mga prutas sa kariton. May mga nagbibigay ng flyers, may mga turista, may delivery persons (like me), may mga bumubulong ng “DVD! DVD!” (Wahaha panalo talaga ‘to), may mga basa-basa sa nilalakaran mo, may mga kalat na supot ng kung ano-ano, halo-halong mga salita, maingay, madaming mga tao, sari-sari ang mabibili at para ka lang talagang nasa divisoria sa Pinas.

Kanina bago ako mag-delivery boy eh nag-ayus talaga ako ng matino. Syempre no. Me paniniwala ako na dapat lagi kang presentable sa kait anong pagkakataon na haharap ka sa mga t ao. Aba! Kahit delivery boy lang ako kanina eh dapat pogi pa din. So I baby powder myself para mawala lahat ng kinang ng langis sa akin (oo, minsan malangis ang mukha ko), nag-ayus ng buhok, sinigurong mabango ang amoy, nag-shades at siyempre, binitbit ang pinaka-positive kong aura at pinakamatamis kong ngiti.

Natuto na ako mula last year sa pagdedeliver ko. Medyo haggard ako last year eh. (though mas mainit kasi ang summer last year kumpara ngayon). Ngayon, Siniguro ko na I take my time. Binagalan ko talaga ang lakad ko with confidence na parang poging-poging mamimili na may dalang isang higanteng supot na puno ng mga catalogs na ipapamigay ko.

Since medyo irritable angkaramihan ng mga tindero’t tinder dito, wag kangmasyadong umasa na ngingitian ka nila. Hello busy din sila at di naman lahat ng papasok sa tindahan nila eh bibili sa kanila kaya wag ka nang umasang ngingitian ka nila agad. So ang tekniks, ikaw na ang maunang ngumiti. =) ayan. Ok, bigger pogier smile. =D

Pag di pa din sila ngumiti, sabihin mo na, “Hello! I got something free for you!” Sabay ngiti sabay abot ng catalog. Smile smile ka dapat at explain ng onti tapos sabihin mo na may discount sila. Then mag pasalamat ka ng todo at iwan sila ng “Have a great day!” Sa point na yun, sigurado kong nakangiti na din sila. Yes, makikita mo naman sa mata kahit na parang di ngumingiti yung iba dahil sa botox or kakulubutan ng mukha. Sasabihan ka din nila ng “Oh thank you! Have a great day too!” *big smile*

Since ang utos ng bigboss ay kumuha ako ng business card sa bawat tindahang mapagbibigyan ko ng catalog nang sa gayon ay mailagay ko sa computer database yung mga contact info nila at makontact sila for future business deals, hinihingian ko sila ng business cards kapag nakangiti na sila at positive ang mood.

Medyo matagal akong nababad sa initan ngayon pero ayus ang araw (kahit na medyo na-badtrip ako ng konting-konti lang naman) kaninang umaga. I don’t feel haggard kasi nag-energy drink ako nang may madaanan akong tindahan sa may divisoria ng tate. Pucha kahit mahal (2.75 isang maliit na can) binili ko pa din para di ako ma-dehydrate. Nakatulong yung pogi feeling at mga ngiti ng mga tao at habbagudday wish nila sa akin. Sana hanggang sa Linggo super habbagudday ako. Kayo din mga kabayan. Habbagudday sating lahat. *big pogi smile*

2 Responses to “Sa divisoria ng tate”


  • parang ala nman ng kulang s mga binigay mong deskripsyon s mga nakasalamuha mo jan……kumpleto ….

    tama dapat s umpisa pa lang positive n ng magaan ang buong maghapon………..

    da best k talaga samjuan

    Reply

    samjuan reply on June 28th, 2009 2:22 pm:

    Isang malakas na apir sa’yo jan kabayan! :)

    Reply

  • Mmm … mukhang in da mood ka today ah. Para kang nakatapak sa alapaap sa kwento mo ngayon…positibong positibo. Mukhang nakipag date ka kagabi at nakaiskor??? Hahaha… Di ko mapigilan ngumiti tuloy habang binabasa ko tong kwento mo at bilib na bilib ako sa napakamapagmasid mong mga mata sa yong paligid habang nagde-deliber ng katalog!!! Buti na lang hindi ka natisod sa katitingin sa yong paligid….Hahaha. Positive entry, Sam ….keep it up!

    Reply

    samjuan reply on June 28th, 2009 2:23 pm:

    Bawal matisod kabayan, tiyak walang papansin sa akin. Haha. :)

    Reply

Leave a Reply