Hindi, hindi ko ikukwento ngayon kung gaano ako nainis sa bigbossing ko. Hindi ko din ikukwento kung gaano siya katanga at pinagmumuha akong tanga hanggang sa kinalaunan eh siya din naman ang nagmukhang tanga dahil tatanga-tanga naman talaga siya. Wooh! Medyo kumulot ang buhok ko sa kili-kili dahil sa kanya. Lunes na lunes eh. So ayun nga, hindi, hindi ko siya ikukwento sa inyo mga kabayan dahil shushunga-shunga siya. Teka, kain muna kayo ng niluto kong sinigang na salmon. Mmmsarap ng sabaw.
Ang kwento ko ngayon ay kung paano ko napaalis ng bigla yung matandang manong na katabi ko sa tren kanina. Oy, teka, di ko naman goal na paalisin siya ah. Di ko sinasadya. May mga pagkakataon nga lang na hindi nakokontrol ng mga pisikal at mental na aspeto ng buhay. O siya, ganito kasi yun, mahimbiing na mahimbiing yung tulog ko kanina sa tren marahil sa sobrang pagod at inis sa katangahan ng boss ko. Mga 3 stations away sa huling hintuan kung saan ako bababa, eh naalimpungatan ako. Natulog akong muli. Tapos, ewan ko ba kung panaginip na ‘to o ano. Bigla na lang gumalaw yung kanang hita ko at sumipa ng malakas! *RRRRRIDER KICK!* basta alma ko malakas. May bwelo eh. At ayun, nasipa ko yung hita nung matandang katabi ko na natutulog din. Pareho kaming nagulat. Ako medyo pikit-pikit pa yung mata nung nag-sorry ako sa kanya. Siya naman nakatulala na parang nagulat na ewan. Mga ilang minuto din akong tulala at nag-iisp kung nasipa ko nga ba siya o hindi. Maya-maya natulog ako ulit. Nakita ko na sa may gilid ng mata ko a umiiling-iling yung matanda. Ilang saglita pa, tumayo siya at lumipat ng upuan. Sorry na manong! Hahaha.
Naalala ko tuloy nung grade 2 ako. Tanda ko nasa school bus kami nun eh. Kulay blue yung school bus, kina Ate Marie ata. Yun eh yung mga panahong nag-aaral pa ako sa paaralan nina Coseteng. Anyways, ayun nga, yung babaneg anak ng may-ari ng schoolbus eh isa’t kalahating payaso. Chura ng babaeng yun. SInabi nang wag akong patawaning habang umiinom ako ng orange juice sa aking kulay blue at white na coleman water jug eh. Ayun, nabugahan ko tuloy siya at napaliguan ng tang orange plus my precious young laways noon. Hehe.
Anyways, resolusyon ko sa mga susunod na araw: mag blog hop. Maglaan ng panahon na gumala sa internet kahit na pagod sa maghapon. Wooh! Bukas nga pala eh delivery boy na naman daw ako sabi ng magaling kong bosing. Gudlak sa ating lahat mga kabayan.

nakowwww!
ayaw na kitang makatabi ka. hahaha at baka kung san at kugn papano ako tumalsik sayo.. ahaha.. o kaya naman hindi na lang kita hahayaang matulog..
at kugn sakali man na habang umiinom ka eh bigla kang matawa, ill make sure may dala akong shield hahaha
Reply
Tama, magblog-hop ka. Heto http://iamthecause.blogspot.com
Ang sama mo sa matanda. Sipain daw ba. Haha.
Namiss ko yang mga hirit na yan.=) Napatawa mo ko nang husto.
Reply
nice blog parekoy!
keep posting!
Reply
Mmm….sinigang na salmon …sarrraaapppp !!!
Reply
hop ka sa blogabahay ko.. hehehe
Reply