Sigh

OK na ako. Busog ako sobra. Sa noodles, sa sushi, sa imahe ng mga numerong paulit-ulit kong kinakalkal, sinusuri, sino-solve, ina-analyze at tina-type maghapon kahapon. Busog din ako sa hypnotic na imahe ng mga kargador na naglo-load/unload ng mga kahon muila sa isang 20 wheeler truck papunta sa isa pang 20 wheeler truck tapos sa bodega tapos sa truck tapos sa bodega. Yes, kargador/sekyu mode na naman ako sa bodegasina. Busog din ako sa imahe nung manong na MexiKano na kamukha ni Paquito Diaz na ngiti ng ngiti sa akin kada magbubuhat siya ng kahon. Kailangan talaga ngingiti ka pa sa’kin kuya? Churamo. Oh well, busog din ako sa pagmamahal. Oo, kinikilig ako. Busog din ang isip ko kakaisip kung saan ako hahagilap at mangungutang ng pera para sa abogado at kung ano ano pang shits para maayus na ang kapatid ko at tatay ko sa kabansaang ito. Oh yes, di naman kami pinababayaan ng tadhana. Sana nga maayus na sila. Wooh. Andito na naman ako sa point na parang nasa dulo ako ng kalsada tapos foggy tapos wala kang makitang signs at shempre dahil foggy di mo alam at makita yung mga nakalatag na daan sa harap mo. Para ka bang nasa dulo ng bangin. Di mo alam kung may sasalo sa’yo, di mo alam kung mahuhulog ka ba sa kawalan, di mo alam kung kelan ka tatama sa ibaba, di o alam kung ano ang babagsakan mo, kung made-deds ka ba agad o magkakaroon ka pa ng isa pang chance para maglakbay at magpakabusog sa buhay. Ganun ang dilemma ko ngayon mga kabayan. Midlife crisis? Not. Me ganitong moda lang talaga siguro sa buhay sa earth. Sa Mars kaya ganito din?

4 Responses to “Sigh”


Leave a Reply