Siguro naramdaman ni bigboss yung halong inis at galit ko kahapon nang basagin niya ang kaligayahan ko nung sinabi niyang di daw muna ako pwedeng umuwi.
“Stay!” sabi niya. Bagama’t di naman niya yun sinabi na parang sa aso, nainis pa din ako kasi hellowww uwian na nampucha. Bagot na bagot na ako kahapon dahil wala pa naman masyadong ginagawa sa bodegasina and then teneeen, wag daw muna akong uuwi. He needs me daw. So ok, binaba ko ulit yung bag ko, at binalik yung pogi shades ko sa desk. Tinanong ako ni bigboss kung kelangan ko daw bang habulin ang bus. Sumagot ako ng tumataginting na YES! Pinaliwanag ko na halos 2 hours ang byahe ko pauwi at kapag mga 7 na ako nakasakay ngbus eh mga 10 na ako makakauwi. Habanglumalalim kasi ang gabi, eh lumalaki ang agwat ng pagdating ngmga bus sa stations. Tipong mga 30mins intervals na ganun. Kapag hindi ka nakasakay o na-miss mo lang ngkahit 5 seconds yung bus, wala ka, olats ka, iyak ka na lang sa bus stop o kaya makipagkwentuhan sa mga naiwan ng bus.
Ang nakakatanga lang kahapon na lalong nakapag-init ngulo ko eh yung madaming minutong nakatengga lang ako at walang ginagawa habang naghihintay sa mga iuutos niya. Kahapon kasi yung biyahe niya papuntang Tsina. Gabi ang flight. Eh hell-o, kung kelan uwian tsaka siya matatarantang mag-ayos ng gamit. Ang ganda-ganda niya dahil sinayang lang niya yung buong araw sa pagtunganga at pagsisigaw sa kung sino-sino. Churaniya. Anyways, nung maramdaman niya sigurong inis na inis na ako, pinayaganna niya akong umuwi pagkatapos ong i-print yung mag pinapa-print niya. Di naman ako na-late masyado ng uwi.
____
Kahapon may mga senyales na by this week, may mga higanteng container trucks na dadating sa amin. So ibig sabihin ehem *flex muscles* magiging bodegaman na naman ako. Wooh! Libreng workout. Libreng tan (kasi magbibilad ulit ako, most probably, sa labas para bantayan ang mga containers or magbubuhat ng boxes). Hello bodega, I do not really miss you.
____
Yung babae kong kapatid sinurprise daw ng lalaking “bespren” daw niya. Manonood daw sila ng sine pero inabot sila ng 1 am. Nampuchang sine yan. Epiko? Tangina wag naman sana silang gumawa ng epic fail na pagsisisihan nila balang araw. Demet. At dahil diyan, ako ang sinermunan ni Pa kaninang umaga habang nag-aagahan ako. Well, sa akin niya binuhos ang inis sa kapatid kong pasawaaaaay.
____
May nagsalpukang tren sa Tate kahapon. Madami ang deds. Sana di ako malibing ng buhay sa subway.
____
Yung technician na ipinadala ng internet service provider naming kahapon ay parang galing lang kung saang inuman tas napadaan lang. Ganun. Malaking mamang AfriKano siya, Timi (binaligtad na itim), na naka malaking blue t-shirt na parang di naligo na parang di naligo na parangdi naligo. Wait, nasabi ko na bang parang di siya naligo at nagiging judgmental na ata ako pero parangdi talaga siya naligo? Anyways, naayos naman niya ang pinapaayos naming kaya hokey sa orayt ang grade ko sa pa-survey niya sa sarili niya.
____
“Lumalaki katawan mo ah!” sabi ni ate Santa na Pinay na babysitter nina bosing sa bahay nila. “Naggi-gym ka?”
Hindi po. Sagana lang. *ngiti.open-mouth na wholesome*
Kayo naman, sagana sa ehersisyo. Sa bahay.
____
May nakita ako sa internet, Pinay na sinabinghindi daw siya “true pinoy” pagkatapos niyang balahurain ang pambansang awit ng Pilipinas sa isang laro ng basketball sa Australia.
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=XQEmjD5IELA[/youtube]
O ano masasabi mo kabayan?
Chillaxx.

di ko alam kung saan ako magrereact.. dun ba sa video o dun sa mga nabasa ko sa cbox mo.. hehehe
Sa lahat pwede. haha
Haha. Ibang klase. Napatawa mo na naman ako. =)
Tawa lang ng tawa kabayan. Mainam yan nang bmakapag-asawa na. Haha
i hate the gurl so much… dapat di na lang niya kinanta… ewan… pede siyang kasuhan niyan… dpat yan ang kinakasuhan.. hehehe
Nasa Australia siya eh so malabong makasuhan siya ng National Historical Institute ng Pilipinas. PLus, I doubt kung may magkaso pa sa kanya sa PInas. lamuna, mas madami silang mga pina-prioritize na mga bagay. nuninuninuni. kalungkot lang.