Today, call me Johnny

After 10,000 Million years, tumawag din si Ma. Nasa PInas nga pala siya ngayon. Umuwi siya mula sa Dubai para bisitahin si Lolang isa na nanay niya, Naaagnas na daw kasi yung mga paa. Tumawag siya para i-confirm kung natanggap ko daw ba hyung pinadala niyang birthday greeting card sa Yahoo Messenger. Sabi ko oo, salamat. Although hindi ko naman talaga nabasa kasi nung pinadala niya yun eh naiwan kong bukas ang YM ko sa opisina over the weekend at shempre, nung binuksan ko yung YM dito sa bahay, nawal ana yung pinadala niya, di ko na nabasa. Naimagine ko na naman eh, Happy Birthday. Ayun, solb na ak doon. Sabi ko nga sa kanya, marinig ko lang ang boses niya ayus na. Bihirang-bihira kasi tumawag si Ma. Tipid kung tipid eh. Anyways, nasabi ko na bang matipid siya at kadalasan ay wala sa lugar ang pagtitpid niya na tulad na lamang ng pagtawag niya sa akin kanina na wala pang limang minuto ay naputol na ang linya?

Dagdag taon ko daw ngayon sabi ng Gregorian Calendar. Araw ng shits at akalayaan. Ohyeah! Pumasok ako, nagpabango (konti lang, sayang, naooverpower ako ng mga mababaho sa bus at train).  15 minutes late ako.

Pagdating na pagdating ko sa opis, vacuum cleaner kaagad ang hinarap ko. Nag-vacuum ako ng sandamakmak na kwarto at mga aisles. Ayus lang. Sanay na ako. Kasama ko din palang vinacuum yung mga palapag ng hagdan pababa sa bodega. Mahigit isang oras din akong nag-powder ng alikabok. Sorry na daw sabi ng mahigit sampung taon nang vacuum cleaner ng kumpanya. Anyways, pagkatapos noon ay nagpatulong si Kuya Jay opismate na kalikutin si DSLR niya. Naayos naman namin, Then may sangkaterbang customers na tumawag (oha, customer support din ako minsan dito), kumuha ng orders, nakipag-usap sa technicians, tapos nautusan ng pinsan ni bigbossyboss na magedeliver ng mga catalogs sa mga tindahan sa downtown. Sabi ko na lang, ok. Ok lang tutal nagawa na din naman namin yun dati. Mas ok nga kanina hindi gaanong mainit kumpara noong nakaraang taon. Medyo maulan kasi ngayon.

Ang di ko lang alam dito sa bosing ko, bakit magdedeliver pa kami ng catalogs eh pwede naman i-mail? Sbi ng pinsan niya na kasama kong magdedeliver, di daw gagastos ang kuripot kong bossing para lang mag-mail ng daan-danag catalogs. Err, oki.

Anyways, Andaming ka-shungaan nitong si bosing. Nung nai-park na ni pinsan ni bos sung truck at paalis na kami bago mag-deliver, tumawag ang bigboss.Palitan daw namin yung mga presyo na nakalista sa catalogs .Churaniya ha. Madami kaya yun. So ayun, wala naman kaming nagawa at nagsulat kami sa may gilid ng kalsada, sa likod ng truck. Panalo langa ng pagdaan-daan ng mga higanteng busses at mga humaharurot na mga sasakyan sa gilid ko. Anytime pwede akong mahagip. Awa naman ng maykapal eh walang lasing na driver na naligaw doon kanina.

And so nagdeliver ako ng mga catalogs sa iba’t ibang mga kalsada. Yung tipong mula 3rd street to 8th street tas mula sa ganitong street pa hanggang sa ganitong street. Wooh. Panalo. May mga ewan pa na akala nagbebenta ako eh namimigay lang naman ako. So ang technique ko kanina, “here’s something free for you mam/sir!” o diba panalo at napangiti ko pa sila. Naubos ko yung mga deliveries ko. Ako pa!

Bagama’t delivery boi ang inyong kabayan eh andami ang nagkakamali na salesman daw ako. Helow?! Haha. Sensya na nakaporma ang inyong delivery man. Hehe. Tapos tapos may AfriKano na gusgusin na baliw na “SHIT!” ng “SHIT!” at kung ano-ano pang mga murang shits ang sinasabi na lapait ng lapit sa akin. Tangina. Kanina kasi mabilis akong nakabalik sa meeting place namin ng pinsan ni bigboss. Dun, kung sana naka-park yung truck namin. Eh di nakatengga lang ako doon nang biglang lumapit yung gusgusing AfriKano. Ako naman dedma lang. Pero tangina lapit siya ng lapit, galit pa, ta smura ng mura ng shit! SA bawat paglipat ko ng pwesto, susunod si gago. Di ako nag-panic. Lumipat pa din ako ng pwesto, naglakad ng marahan, tumawid sa kabilang kalye, lumiko dito at doon at tumawid pa ulit but nooooo paglingon ko sa likod ko andun siya, marahan ang lakad, madumi at nagbubuga ng shits sa bibig. Tangina di naman siya nakakatakot talaga eh, ang nakakagago yung pagsunod niya sa akin na parang serial killer na mabagal ang lakad. Yun bang di niya kelangan magmadali kasi alam niyang maabutan ka din niya eventually. Shit sha! Well, di ako nagpasindak, umikot ako sa isa pang kalye ta sbumalik sa may parking area na kitaan namin ng pinsan ni bigboss. PUmasok ako sa isang tindahan. Di na ako nasundan ni manong na bumubuga ng shits.

Pagbalik sa opis, wala si bigboss, basa-basa naman ako ng ilang mga emails at mga isa o dalawang pabati. May mga in-email akong kliyente. Then after 25 ,000 years, uwian na! Yay! Nakatulog ako sa tren ng mahimbing. At yan ang kwento ko today bilang si Johnny, Johnny-tor.

6 Responses to “Today, call me Johnny”