
Monthly Archive for July, 2009
May daily dalaw ako ng aswang lately. Buntis ata yung ulo ko ng kung ano-anong mga ideya kaya naman panay ang kaluskos at pagtatangkang panghihimasok ng dila
Sa parteng ito ng Amerika, ngayon pa lang sila magi install ng mga turnstiles sa train stations. Yun yung mag umiikot na harang na dadaanan mo pagka-lagay mo ng mrt card mo o kaya pagkatapos mo magbayad at makapkapan ng guard sa MRT at LRT Pinas.
Usually kasi, honor system ang pinaiiral nila sa mga train stations. Continue reading ‘Paurong susulong’

Naka crocs siya na may mantsa ng onting putik putik. May katandaan na siya, tanders na boyish ang look, maputi, medyo malaki ang built, prang nagtataga lang ng karne ng baboy sa palengke, malalaki ang pata, may suot na shorts na actually eh parang malaking gray jogging pants na pinunit yung ibabang bahagi para magmukhang shorts tapos naka pang-itaas siya na kulay milo powder brown na t-shirt na halatang winarat lalo na sa manggas (imagine tinkerbell tsaka yung sleeves ng damit niya na parang banderitas sa fiesta) at higit sa lahat naka shutter shades siya! Continue reading ‘Lola shutter shades’
Kung hindi dahil sa iyo wala akong initiative.Yan kasi ang paulit-ulit mong sinasaksak noon sa utak ko. Dapat may initiative akong matuto ng mga bagay na dapat kong matutunan gaya ng pagtatali ng sapatos, paglilinis at pag-aayos ng paligid, pagbabahagi ng tulong sa mga nangangailangan at paggawa ng mga bagay na sa tingin ko eh makakabuti sa akin. Salamat dahil kung hindi dahil sa iyo eh hindi ako magkakaroon ng initiative na magblog ngayon at ipamahagi sa mundo kung gaano ako nagpapasalamat at naging tatay kita.
Salamat sa pagkakarga sa akin noon sa mga balikat mo. Salamat sa pagdadala sa akin sa manila zoo, maaga akong namulat sa konsepto ng mga hayop at kalikasan. Salamat sa pagsasama sa akin sa paglilibot sa Maynila, maaga akong natuto ng konsepto ng iba’t ibang kahayupan sa mundo.
Naalala ko pa noong unang panahon nung iniwan mo ako sa may tindahan sa kanto ng 15th avenue sa may gate ng camp Aguinaldo, iyak ako ng iyak noon. As in iyak bata ha. Yung MWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAh sabay hagulgol hanggang sa tumahan ako at humikbi hikbi na lang. Ayokong mawalay sa iyo noon. Continue reading ‘Dearest pa’
Pasensiya- yan ang isa sa mga kailangan mo kung gusto mong mamayagpag at mag-survive ditto sa Tate at sa iba pang bahagi ng mundo na ginagalawan mo.
Naman, di mo ba kakailanganin ng pasensiya laban sa katabi mo sa bus at train na kung hindi amoy suka eh taglay ang amoy ng pinaghalong beer, suka (yung ginagamit ngnanay mo sa pagklukluto ng adobo), pawis, putok at jebs?
Isa sa mga talents ko noong kabataan ko eh ang paggaya ng boses ng may boses (kasama sa paggaya ang tono, paraan ng pananalita at tamang bigkas ng mga salita ayon sa pinaggagayahan). Nandiyang gagayahin ko yung boses ng mga kalaro ko, yung boses ng mga teachers ko, yung boses ng mga napapanood ko sa TV at saka mga boses na naririnig ko sa tabi-tabi.
Noong grade 4 yata ako, kasagsagan ng kasikatan ni Marimar sa Pilipinas, naisipan kong magpamalas ng angking talent sa pag-awit. Nampucha. Sa maniwala ka at sa hindi, parang duplicate na copy ng boses ni Thalia yung boses ko noon- “Mah-riih-mar! Aw!” Continue reading ‘Aw!’
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=vX07j9SDFcc[/youtube]
Another first ito sa buhay ko at sa karanasan ko dito sa Amerika kabayan.
Noong nakaraang weekend, bumisita kami sa isang bar kasama yung mga kapamilya ko at mga kaibigan mula sa Vegas. Sabi magdi-dinner daw kami. Puro Pinoy yung lugar- mga tanders, mga bata, mga jologs, mga pa-sushal, mga maiingauy, mga pa-shy, mga may jowaers na kano at kana, mga transvestites, mga operado’t operada, at mga taong nag-eexpect ng tawanan at masarap na pagkain.
Anyways, nakahanap kami ng lamesa sa tapat ng di kalakihang stage (yung tipong pwedeng maglaman ng dikit-dikit na 25 na tao na katamtaman lang ang laki ng katawan). Walo kami sa lamesa nung gabing iyon. Sikat na sing-along bistro pala yung napuntahan namin. Pagkatapos kumanta ng mga regular performers ng bar, pwede din palang kumanta yung mga customers. Dahil doon, napilit ako ng mga kasama kong ilabas ang aking dapat eh tinatago na lang na talent. Shet naman o. Continue reading ‘Sorry na daw sabi ng goatee ko’
Muli kong nakasabay sa bus si Liz Juan. Medyo tumanda yung itsura niya pero shekshi pa din siya. Nagkwentuhan kaming muli sa bus. Buhay buhay, tungkol sa trabaho (uuy pareho ang nature ng work naming), sa ghosts of the girlfriends past, sa mga magulang, at sa summer. O diba kala mo andami. Well, madami talaga kahit na wala pang 20 minutes kaming nagkatabi sa upuan.
***
Muntik nang nahila ng antok ng mga mata ko yung tinatamad kong diwa kundi lang ako biglang nag-slide sa hagdan kanina. Continue reading ‘parang humpty dumpty lang’
“Just throw it away!” ang madalas sabihin ni boss kapag may pinaprint siya sa makinis na bond paper na madaming mga dokumento na madalas ay puno ng mga larawan. Sa loob-loob ko naman, kawawang mga puno. Dahil sa katangahan at kashungaan nitong umaalipin sa akin, madaming mga bagay ang nasasayang. Pota. Pati ata ako nasasabaw na eh. Hindi ba nakakatanga yung puro tanga at mga aburido yung mga kasama mo sa isang linggo? Yun bang nawawalan ka na ng sense of purpose maliban sa kumita ng pera. Nakakaburat yun ng big time mga kabayan.

SamComments