Isa sa mga talents ko noong kabataan ko eh ang paggaya ng boses ng may boses (kasama sa paggaya ang tono, paraan ng pananalita at tamang bigkas ng mga salita ayon sa pinaggagayahan). Nandiyang gagayahin ko yung boses ng mga kalaro ko, yung boses ng mga teachers ko, yung boses ng mga napapanood ko sa TV at saka mga boses na naririnig ko sa tabi-tabi.
Noong grade 4 yata ako, kasagsagan ng kasikatan ni Marimar sa Pilipinas, naisipan kong magpamalas ng angking talent sa pag-awit. Nampucha. Sa maniwala ka at sa hindi, parang duplicate na copy ng boses ni Thalia yung boses ko noon- “Mah-riih-mar! Aw!”
Alam ko nagsimula yun sa talent portion sa klase eh. Kelangan may talent daw bawat isa. Eh ang bo-boring ng talents nila, ayun, ginaya ko si Marimar. At dahil dun, naging instant celebrity ako for a while sa isang mababang paaralan sa liblib na bahagi ng Lungsod Quezon sa Maynila. Pinakakanta nila ako sa ibabaw ng upuan, sa ibabaw ng lamesa at sa entablado. Saglit na naging Marimar ang pangalan ko. Tangina lang. Haha.
Nang mapagtanto kong din a ito masay ata nakakagago na, itinigil ko na ang paggaya kay Marimar. Nag-move on na ako. Mga teachers ko naman ang ginagaya ko. Ilang mgateachers din ang naaliw at nainis sa akin kasi kayak o silang iimpersonate. Pagkatapos noon, mga kaklase naman. Mapa-babae pa yan o lalake, kayang kaya kong gayahin yung boses nila sa telepono. Mga gago kong klasmeyts nagagago ko, Ganun. Kay asiguro madaming nainis sa akin noon.
May time nag nung highschool, naalala ko nung di ko mapatahimik yung klase, napilitan akong gayahin yung boses ng terror teacher taps ayun, nagsitahimikan silang bigla. Haha. Saglit ngalang, kasi wala namang teacher na lumitaw.
Anyways, nakakatanga lang yung phase na yan ng buhay ko. Parang andami kong identities, literal. Naisip ko nga noon na mag voice talent sa cartoons eh, naunahan lang ako ng hiya. Pero ika nag nila, s apaglipas ng panahon ay matatagpuan mo din at mapagtatanto kung sino ka. I am not everyone, I have to be someone, I am Samjuan. Oha! May ganyan pa akong nalalaman noon. Haha. Pero seryoso, napakahabang panahon ang self at soul searching ha. Para kang nagtotono ng napakaraming boses sa sarili mo. Parang andami mong safeguard konsensiyas, ganun.
Nakngteteng. Nasasabaw na ako. Akala ko naman na-tono ko na yung sarili ko eh. But noooo. MAdami pa pala akong tunog na kayang gawin bukod sa panggagaya ng boses ng may boses. Madami dami pa ang oras ko para itono ang sarili ko. Woot.

haha… sa skwela namin noon, sobra sikat yung mga kayang manggaya ng boses ng may boses… wala akong kayang gayahin.. hehehe
tlaga? haha masaya kasing katuwaan yung pangagaya ng boses lalo na ng mga teachers noong elem at highschool haha
wow, isa ka talagang dakilang astig..Pinoy ka nga. Mahirap yung ganyan. Kahit ako minsan ay nagugulumihanan din pero alam kung kelangan din talaga natin pagdaanan yung mga ganyan. Masayang magpangiti ng iba pero sana pagdating ng hapon, alam mo pa rin kung sino ka at ano ka. Un lang ang mahalaga.
may tama ka kabayan!
Putek ka pilyo ka pala noong bata. Nakakahiya yung ginawa mong marimar hahaha! Showcasing your talent, uber!!! At kung ako ang principal ng skul, kicked-out ka sa kin twoinks!
Hahaha nakakahiya talaga kabayan. Takte kasi amboboring ng talents nila eh! haha
Kaya kong gayahin ang boses ni Donald Duck at Woody Woodpecker. LOL
Astig! si Donald ang hirap gayahin! hahaha! Sige nga sample!
kaya kong gayahin ang tawa ni peter griffin at bart simpson.
Haha panalo yung tawa ni bart!
nice parang parrot lang ah! talagang si Marimar talaga ang ginaya!hahaha! Pwede!
Medyo matinis pa kasi ang boses ko noon kabayan eh
haha
saka mga boses na naririnig ko sa tabi-tabi – ano ano naman ang halimbawa mo dito?
yung mga mumo?
hehehe
ang astig mo talaga crush..
yes, shea. MOMooooooooooo hahaha
oi wag kang ganyan, bawal magblush dito. haha
Gusto ko ‘yung talinghagang ginamit mo.
Kailangan ko na ring itono ang sarili ko.
Bagama’t mahirap, halina’t magtono!