Lola shutter shades

Naka crocs siya na may mantsa ng onting putik putik. May katandaan na siya, tanders na boyish ang look, maputi, medyo malaki ang built, prang nagtataga lang ng karne ng baboy sa palengke, malalaki ang pata, may suot na shorts na actually eh parang malaking gray jogging pants na pinunit yung ibabang bahagi para magmukhang shorts tapos naka pang-itaas siya na kulay milo powder brown na t-shirt na halatang winarat lalo na sa manggas (imagine tinkerbell tsaka yung sleeves ng damit niya na parang banderitas sa fiesta) at higit sa lahat naka shutter shades siya!

Panalo lang yung lolang to na nakasabay ko kanina sa bus kasi na-overpower niya yung noise cancellation powers ng earphones ko. Wala, taob ang The OC mix playlist ko. Akala ko nung una kung sino ang kaaway ng Amerikanang ito. Madami siyang sinasabi tungkol sa edukasyon. May mga nauulinigan akong budget budget tapos kamahalan sa pag-aaral pero wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi niya. Halos sa buong biyahe ko kanina bago makarating samopisina eh dumadaldal ang lola shutter shades na ito. Nang biglang magsialisan yung mga katabi niya, doon ko lang napagtantong wala pala siyang kausap. I mean, meron pero hindi ko nakikita. Ako yata ang naka shutter shades, teka.

5 Responses to “Lola shutter shades”


Leave a Reply