Sabi ng madaldal na matandang AfriKano na may puting buhok na katabi ko sa bus doon sa kausap niyang babaeng nakapula na taga-vegas daw na may shoulder length na buhok na may kwintas na parang mga mini-bawangs,
“You got to have to have courage to fight the fear to turn away negative thoughts.”
Nag-uusap sila tungkol sa pagtaya sa karera ng kabayo. Si manong AfriKano pala ay hardcore mananaya. Si ate naman sugalera. Sa ganung usapan umusbong yung mahaba nilang kwentuhan hanggang mauwi sa usapang pamilya, anak-anak at buhay buhay.
Bahagya akong nagising nang maulinigan ko yung sinabing ion ni manong Afrikano. Sakto! Madami akong negative thoughts na clingy lately. Shoo! Shoo! Nampucha. Wala kayong mapapala sa utak ko, churanetong mga nega-thoughts na ‘to. Tama! Tam! May point si manong AfriKano. Parang nabanggit na din ito ni Yoda noon eh. Ah! Sabi niya noon sa starwars:
“Fear leads to anger. Anger leads o hate. Hate leads to suffering. Suffering leads to destruction.”
Katakot ‘no? Katakutan ba angfear itself? Haha. Pero seryoso. Meron ako malamang na mga di maipaliwanag na fears na hindi ko alam kung ano at saan ang pinanggagalingan.
Sorry na kabayan. Di naman ako nag-i-emo. Wala akong bangs today. Fresh pogi look ako bagama’t amoy araw na naman ako at kulay medium rare na dahil sa pagkabilad sa araw habangnagbabantay ako ng mga trucks at kargador at panakanakang nauutusang magkargador.
Must shoo away fears. Wooh!
—-
Aha! Eto ang ilan sa mga nega-thoughts ko lately:
-May papalapit, may papalayo
-Nakakaburat na dito sa bodegasina parang mababaliw na ako kapag nagtagal ako ditto ng mahigit limang taon Noooo!
-Gusto kong manapak ng mga utusero. Oh well. What can we do. Aliping saggigilid pa ako ngayon.
-Mga kautangans.
-Mga dapat ayusin
-Yung dapat bakasyon bukas pero since parang tanga si bigbosing eh ayun me pasok kami. Chura.
-Yung masabugan
-Sabaw na utak


hahaha! natawa naman ako..anyway 1st time ko dito paki-welcome me pls – ang red carpet
Reply
samjuan reply on July 10th, 2009 7:21 pm:
Nirolyo ang red carpet para kay TSI
teneeeeeeeeeeeeeeeeen!
Tsi-pasooook!
Hehe
Salamats s pagbisita kabayan!
Reply
ahoi! Ewan ko ba, nega thoughts yata ang buwan na to. kung anu anong nega thoughts din pumapasok sa isip ko. yeah, tama si manong afrikano. yun lang pinakawise na gawin natin!
Reply
samjuan reply on July 10th, 2009 7:22 pm:
Shoo away those negatots! Hehe
Reply
Down with the utoseros!
Reply
samjuan reply on July 10th, 2009 7:22 pm:
Kawawang mga alipin
ahu ahu ahu
Reply