Muli kong nakasabay sa bus si Liz Juan. Medyo tumanda yung itsura niya pero shekshi pa din siya. Nagkwentuhan kaming muli sa bus. Buhay buhay, tungkol sa trabaho (uuy pareho ang nature ng work naming), sa ghosts of the girlfriends past, sa mga magulang, at sa summer. O diba kala mo andami. Well, madami talaga kahit na wala pang 20 minutes kaming nagkatabi sa upuan.
***
Muntik nang nahila ng antok ng mga mata ko yung tinatamad kong diwa kundi lang ako biglang nag-slide sa hagdan kanina. Nyemas. Panalo lang at nag bounce-bounce pa yung pwet ko sa steps bago ko naitukod yung palad ko sa sahig na siyang sumalo ng pwersa ng pagkabagsak.
Oha?! Early morning pampagising. Buti walang mga tao kanina. Kamusta naman kasi ang pagmamadali kong buksang ang pintuan kasi dumating na yung higanteng truck kanina. Medyo nadali ata yung kaliwang braso ko, lower likod, pwet at kaliwang hita. Panalo din sa body pains sa umaga. Woooh! Mula noon, nagising na ako kahit pa nakakantok yung malamig na hangin laban sa mainit na sikat ng araw sa labas.
Ambilis lang nung pagka-slide ko na yun. Yun yung tipong mapagtatanto mo na lang na bumagsak ka pala kapag naramdaman mo na lang yung sakit. Ganun. Pramis. Lutang ata kanina kaya di ako aware na dumadausdos at nagba-bounce bounce na pala ako pababa.
Oh yeah oh yeah this is America! Haha. Nampucha. Tinawanan ko nalang din yung sarili ko kanina eh. Haha. Panalong blooper. Wooh!
Yun naman kasi yungtipo ng sakit sa katawan na kayang indahin kumita ka lamang ng salapi. Oha?! Hahaha.
****
Nasaan na kaya yung kaibigan kong pinagdadasal at ipinag-aalay daw ako ng itlog sa simbahan ng santa clara sa may Katipunan sa Quezon City? Feeling ko kulang yun mga itlog na binibigay niya sa mga madre para malimliman at maging baby angels kasi parang di umaabot sa kalangitan ang aking mga panalangin. Hmmmm.
****
Ok, chillax Samjuan, chillax. Smiel kabayan! Say cheeeese!

0 Response to “parang humpty dumpty lang”