Paurong susulong

Sa parteng ito ng Amerika, ngayon pa lang sila magi install ng mga turnstiles sa train stations. Yun yung mag umiikot na harang na dadaanan mo pagka-lagay mo ng mrt card mo o kaya pagkatapos mo magbayad at makapkapan ng guard sa MRT at LRT Pinas.

Usually kasi, honor system ang pinaiiral nila sa mga train stations. Bahala ka na kung bibili ka ng ticket o hindi. Walang pila pila walang check check ng mga gamit. Basta pumasok ka na lang sa atation at sumakay, ganun dito. Pero lately ata eh narealize nila na sadyang dumadami na ang mga garapal na mga tao na hindi talaga bumibili ng ticket. Kaya nitong nakaraan eh palagiang may random checks ng ticket at bus passes. Kaya ayun, madaming nahuhuli at nati-ticketan. May pagkakataon pa nga minsan na sobrang haba ng pila sa ticket vending machine. Palibhasa nasanay sila na hindi bumibili ng ticket. Nakow. Ayan, may anouncements na na maglalagay na sila ng mga harang sa bago ka makapasok ng train station.

_________

Si Samjuan ay medyo busy ngayon. Sensiya na. Pramismagba-bloghop ako pag nakahanap ng pagkakataon. Busy ang aking katawan, utak, at puso. Ipagdasal niyo ako mga kabayan.

Pagpalain kayo ng universe.

4 Responses to “Paurong susulong”


  • Amen.

    lol bisi bisihan ka, weee at least may realization putek may dugas din diyan hehe

    Reply

  • Sige ipagdadasal kita, Samjuan. Na sana’y makasumpong ng pahinga ang iyong katawan, utak at puso.

    E di parang MRT at LRT na rin yan na tuwing rush hour ay que haba haba ng pila. I’m sure meron din naman silang ibebentang special card na pwede mong gamitin ng ilang beses para hindi ka na pumila sa tuwing sasakay ka ng tren. Gaya din sa LRT at MRT. Bilhin mo un. Otherwise, mababanas ka lang tuwing rush hour.

    Good luck sa bagong turnstiles.

    Reply

  • hi sam… im a newbie, visit k sa blog ko ha… roanne0823@blogspot.com thanks!!!

    Reply

  • I’ll pray for you crush.. mwah..toinks

    yngat lagi

    -bading shea

    Reply

Leave a Reply