[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=vX07j9SDFcc[/youtube]
Another first ito sa buhay ko at sa karanasan ko dito sa Amerika kabayan.
Noong nakaraang weekend, bumisita kami sa isang bar kasama yung mga kapamilya ko at mga kaibigan mula sa Vegas. Sabi magdi-dinner daw kami. Puro Pinoy yung lugar- mga tanders, mga bata, mga jologs, mga pa-sushal, mga maiingauy, mga pa-shy, mga may jowaers na kano at kana, mga transvestites, mga operado’t operada, at mga taong nag-eexpect ng tawanan at masarap na pagkain.
Anyways, nakahanap kami ng lamesa sa tapat ng di kalakihang stage (yung tipong pwedeng maglaman ng dikit-dikit na 25 na tao na katamtaman lang ang laki ng katawan). Walo kami sa lamesa nung gabing iyon. Sikat na sing-along bistro pala yung napuntahan namin. Pagkatapos kumanta ng mga regular performers ng bar, pwede din palang kumanta yung mga customers. Dahil doon, napilit ako ng mga kasama kong ilabas ang aking dapat eh tinatago na lang na talent. Shet naman o. sabi nang bathroom songer ako eh. Ayoko!
After 5 minuutes.
Onting pilit pa.
Onti pa at bumigay din ako. Sige, di ko naman ito first time.
Unang videoke ko dito sa Tate eh sa isang bar din sa may Koreatown kung saan puro mga flatscreens at plain blank background at lyrics lang ang magga-guide sa iyo habang kumakanta ka sa spotlight sa harap ng madaming mga Kano of all shapes, colors and sizes.
Then ayan na, umakyat ako sa stage, nagbigay ng imbentong pangalan at imbentong identity. Pinagitnaan ako ng dalwang komedyamnte. Isang payat na matangkad na naka tuck-in ang long sleeved polo shirt na may maikling wavy na buhok na naka black shoes at isang matabang mala tya posit ang aura na naka itim na hapit na kita cleavage na may malaking black ribbon a la Minnie mouse sa ulo.
Pagkaakyat na pagkaakyat ko, ang bungad ba naman sa akin nung mas matabang komedyante:
Ay, akala ko naman matangkad ka! Bakit mukha kang matangkad kanina sa upuan?
Dagdag nung isa:
Oo nga, ang liit mo. Ilang taon ka na ba?
Samjuan: *binulong ang edad*
Dalawang komedyante: Aaaaaay! Ampogi mong bata ka! Kaso anliit mo!
Matabang Komedyante: Naku, maliit ka, ibig sabihin niyan maliit din yang ano mo *sabay turo sa junjun ko*
Payat na komedyante: *evil laughs* Oo nga. Teka, *lumuhod* susukatin ko lang gamit ang bibig ko. *tawanan ang audience* (well, matagal na silang tumatawa sa simula pa lang mula nang kupalin ako ng dalwang komedyanteng ito.
Samjuan: Teka teka, wala ka pang insurance sabi mo.
Audience: Aaaah aaaah *tila nambubuyo* hahahahaha
Matabang Komedyante: Aba, aba, matalino ito. *pause* *tawa* Sige na nga, teka ano ba kakantahin mo? Wonderworld? Wag nay un. Pangit yun. Alam mo yung lord of the rings? Alam mo yung hobbits? May kanta sila eh, bagay sa iyo. *sabay kumanta si ate ng HEIGH-HO HEIGH-HO with matching sayaw sayaw pa sa harapan ko.
Audience: *more hhahahahahahahahaha*
Payat na komedyante: Naku anubayan. Anliiit-liit mo wala pa bang nagrereklamo sa iyo?
Samjuan: Naku wala ah.
Babae sa Audience (wala lang trip lang niya umepal): Eh wala naman ata yang girlfriend eh.
Audience: oonga oonga. Woooh!
Matabang Komedyante: Magaling ka ba naman ha?
Samjuan: Aba siyempre!
Matabang Komedyante: Sige nga patunayan mo!
Samjuan: Mamaya!
Matabang Komedyante: Aba! Aba! Palaban ‘to!
Matabang Komedyante: *napatingin sa mukha ko* Ay! Ang cute naman ng goatee mo! Bilang na bilang! Bwahahahaha! Bakit naman ganyan yan?! 8sabay himas himas sa baba ko
Sa loob-loob ni Samjuan: Sorry na ha, medyo nagmadli ako sa pag-aahit kanina
Payat na komedyante: *sinasayawan ako*
Matabang Komedyante: Tama na nga ‘to, kumanta ka na! Ay teka, alam mo yung Lion king? *giggles*
Samjuan: *nakangiting aso na tumatango tango*
Matabang komedyante: Alam mo may kanta dun na bagay sa’yo eh. Yun na langkantahin mo/
Samjuan: *puzzled* Ano yun? *Naisip ang can you feel the love tonight (teka inlab ba ako?)*
Matabang Komedyante:Eto pakinggan mo, *nag ehem ehem*
Aaaaaaaang uten mo nahihigit mo pa ba?
Hmm, nahihigit mo pa ba (second voice)
(sa tono ng sa circle of life. Yung may chant. Yung aaaaaaaaaaaaawemba bagithi bagaba mmmm wema ma weeem ma maaa -basta yung ganun)
Matabang Komedyante at Payat na komedyante: *nagsayaw sa gilid at sa harap ko*
Mmm titi niya hindi na mabanat
Titi niya hindi na mabanat
Titi niya hindi nambanat
Matabang Komedyante: O siya tama na nga, kanta na!
At ako ay bumirit at rumakrak pagkatapos ng ilang masigabong minute ng tawanan.
I thank you.
Bow.

LOL
LOL ka! hehehe joklang.
may lagi kaming pinupuntahang videoke dati…Sariwangi.
Yan ba yung yung sa Laguna? Hehe
masarap mag gorup kainan dun!
hahaha natawa ako dito.. namiss ko tuloy bumisita ng mga comedy bar dito…
Hahahaha
dali komedi bar na tas share ka ng kwento mo! hehe
hahaha! putek ka samjuan tawa ako ng tawa…napipicture ko yung mga komedyante dito sa Pinas..naaliw ako pwamis
Hahah salamats at napatawa ka. sila din sa comedy bar eh tuwang tuwa sa pangungupal nila eh wahahahaha.
Minsan talaga grabe kung manlait yang mga nasa comedy bar! Buti naman di ka npikon! Nung minsang nilait lait din ako sa isang comedy bar ang ginawa ko nilabas ko at hinampas ko sila ng aking BU……………………………….. BUK (aklat, akala mo yung bastos noh!hahahah)
Ingat
Drake
Napaka-studious mo naman kabayan! hahaha idol na kita!
wow, kumakanta ka? ndi nga? minsan kantahan mo naman ako. hehehe
kawaii… di nagsisinungaling mga bading pag gwapo ang sabi nila malamang gwapo talaga
na curious tuloy ako ano itsura mo…
\m/
Naku, yaan mo , minsan rerecord ko yung mag pagkanta ko sa banyo. hehe.
itsura ko? sabi ng nanay ko acceptable naman daw sa lipunan at medyo malayo sa unggoy. haha
Sa Lola Linda’s lang ako nagbibidyoke. Sa Laguna. Sa UPLB. Alam mo yun?
Haha. Sarado na sila eh. Saklap.
Napadaan kami doon minsan dati. Shet wala na yun? Masarap pa naman yung sisig dun