Monthly Archive for August, 2009

Flush this

Dito na lang ako maglalabas ng sama ng loob mga kabayan. Yun eh kung ok lang naman. Kung pagod ka din, stressed at di feel na magbasa ng mga suka ng sama ng loob ng iba, maaring huwag mo nang ituloy ang pagbabasa nito hanggang sa tuldok.

Ok, salamat at nakarating ka sa susunod na pangungusap. Sigurado ka bang ready kang magbasa at makiramay sa aking mga wooooooooooooooooooohhlala at madaming mga kwentong buhay? Buhay? Sure ka na ba? Oks. Game!       Continue reading ‘Flush this’

Eureka!?

Ika 400 na anibersaryo daw ngayon ng teleskopyo ni Galileo Galilei sabi ng Gugel. Araw ng paninilip at pagtanaw sa mag malalayong bagay sa kalawakan at sa buhay. Anlalim pakshet. Parang sugat ko lang sa daliri. More dugo more fun. Tangina nagupit ko yung daliri ko mga ilang minuto pa lang ang nakakaraan. Antanga ko kasi. Naggugupit ako ng mala-jeans na telang matigas. Gusto kasi ng kapatid na babae ng bosing ko na umalipin sa akin today na pantay na pantay ang gupit (pero wag ka, zigzag ang gunting na malaki na pang-tela) eh ayun nakahanay yung daliri ko sa tela habang na-stuck yung gunting sa tela. Alam mo yung parang huminto yung oras nung na-stuck yung mga higanteng blades ng gunting sa matigas na tela tapos slow mo na gumalaw siya tas fast forward ng mabilis tas ayun nagupit na ang daliri mo. Sarap!  Continue reading ‘Eureka!?’

sakit sa pantog

Bukod sa tortang talong at tuyo, mainit-init din na agahan ko yung balita ng armed robbery sa malapit na Walgreens (parang 7-eleven pero may pharmacy sa loob) sa bahay namin. Kaya naman pala abot-abot ang pag wang wang ng mga sirena ng kapulisan habang naliligo ako. Panalo lang ang coverage nung mga pulis na humahabol sa suspects. Yung isa, umakyat ng building tapos pa-cool effect lang siya. Chill lang. walang ginagawa yung mga pulis hangga’t di nila nasisiguro kung suspect nga siya. Panalo sa super zoom ng camera ng chopper na naka-posisyon ng sobrang layo sa building pero tanaw na tanaw si kuyang suspect. Sabi ng tatay ko, kung sa Pinas daw yun nangyari, matagal nanag nabaril yung suspect sa bubong. MEdyo antagal ng mga bus at antrapik kanina. May umepal pang ambulansiya sa kalsada. Ayun, sabi ng mga chismoso’t chismosa sa bus, tumalon na daw yung suspect sa bubong.

Continue reading ’sakit sa pantog’

sinok

Anakngpusangmalagkitnamandahilsakatangahan o! Bakit ba sa mga di inaasahang pagkakataon ka pa magkakamali sa pinagpadalhan ng text message? Sheeeeeet!

Umagang-umaga naipadala ko ang text na para sa kaibigan ko sa tatay ko. Ang laman ng txt message:

“Nakakainis talaga si Pa. grr. Panira. Ayaw sagutin ang telepono.”

Kaya pala hindi ako nirereplyan ng katext ko tungkol sa tatay ko eh hindi niya pala natanggap yung mensahe ko.

Tatay ko ang nagreply:

“at kung panira ako sa akala mo eh pagpasensiyahan mo nalang din po ako at siguro sa galit k lng kaya ako gani2 at d ko kyo crain o panira sayo pasencya ka na lng po.”

Continue reading ’sinok’

May araw din kayo! (palakpak kay G. De Quiros)

Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n’yo ’yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n’yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n’yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.

At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.

Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.

May araw din kayo.

-Conrado De Quiros, Philippine Daily Inquirer, 08/17/2009

we english do u?

Kanina noong hingal na hingal kaming naiwan ng bus after mga 15 seconds lang, napadpad kami ng tatay at kapatid ko sa isang tindahan na puro sale ang laman. Sushal na ukay ba. Naglibot muna kami doon since 1 hour pa yung susunod na oras ng pagdating nung bus.

Pagpasok namin ng tindahan, may napansin agad akong grupo ng mga Pinay na medyo intsikin na may dalang push cart at namimili ng mga damit. Noong una nagpiPilipinuhan sila eh. Pero nung dumaan kaming mag-aama at nagsalita ng Pilipino sa isa’t-isa, biglang nag-englishan ang mga ateng. Para bang di sila kababayan at parang di namin maiintindihan yung english nilang impromptu. Madami pa din palang mga ganung uri ng tao ano?

Mga araw ng Perseid

Nang magposhower ang kalangitan ng mga bagay na di karaniwang natatagpuan sa earth, umuwi ako sa bahay na tuklap angkisame naming sa banyo. Para tuloy merong duyan na puti na nakasabit sa ulunan mo kapag naliligo ka o kaya jumejebs.

Sinabihan ako ng boss ko na di ko daw alam ang ginagawa ko at dapat daw eh nagawa ko na ang mga inuutos niya in 5 seconds. Oha?! Tumataginting na 5 seconds kabayan! Sorry naman sa kanya, siya na ang dios. Susmeng yan. Ok lang sanag pagalitan ka kung mali ka eh, pero nakakaburat talaga kapag siya naman ang mali tapos pinagpipilitan pa niyang ikaw ang may sala. Kung sushunga shunga ang bosing mo, di malayong atakihin ka ng mga tigyawats sa mukha. Wooh Stress! Continue reading ‘Mga araw ng Perseid’

sa kabilang banda

Sa tuwing mahihiritan noon ng lola ko at ng mag tito tita ko yung mga kalaro ko o yung mga magulang ng mga kalaro ko sa kalye (yun bang tipong pipigilan nila akong makipaglaro kay ganito at ganyan dahil a]may putok daw siya b]adik daw ang magulang niya c]may utang daw sila sa amin d]masama daw silang impluwensiya) ay nasasaktan ako. Wala pa ata akong grade noon may ganung moda na yung ilan sa kapamilya ko. Noong mga panahong iyon, madalas akong magrebelde dahil mas kinakampihan ko ang mga kaibigan ko kaysa sa pamilya ko. Ganun ako noon. Continue reading ’sa kabilang banda’

Little red riding hood(lum) sa Amerika

YouTube Preview Image