Ika 400 na anibersaryo daw ngayon ng teleskopyo ni Galileo Galilei sabi ng Gugel. Araw ng paninilip at pagtanaw sa mag malalayong bagay sa kalawakan at sa buhay. Anlalim pakshet. Parang sugat ko lang sa daliri. More dugo more fun. Tangina nagupit ko yung daliri ko mga ilang minuto pa lang ang nakakaraan. Antanga ko kasi. Naggugupit ako ng mala-jeans na telang matigas. Gusto kasi ng kapatid na babae ng bosing ko na umalipin sa akin today na pantay na pantay ang gupit (pero wag ka, zigzag ang gunting na malaki na pang-tela) eh ayun nakahanay yung daliri ko sa tela habang na-stuck yung gunting sa tela. Alam mo yung parang huminto yung oras nung na-stuck yung mga higanteng blades ng gunting sa matigas na tela tapos slow mo na gumalaw siya tas fast forward ng mabilis tas ayun nagupit na ang daliri mo. Sarap!
Salamat sa serial number ng breast implants niya, napag-alaman ng mga imbestigador na yung babaeng natagpuang chop-chopped sa loob ng isang briefcase na tinapon sa damuhan somewhere dito sa Tate eh yung swimsuit model na asawa nung lalakeng nag-suicide dahil siguro sa guilt sa pagpatay niya sa asawa niya.
Sabi ng mga ekserto daw sa kaso ni Michael Jackson, napag-alamang homicide daw ang kanyang ikinamatay, ibig sabihin, ang sanhi ng pagkamatay ay mla sa ibang tao. Nampucha eh pinainom ba naman ng sandamakmak na mga gamot si Mayko Jacko oras oras eh. Madededs talaga yun!
May panibagong babae na naman na nanghihingi ng pera sa amin kesyo nasiraandaw yung kotse niya blah blah blah bullshits tapos tutulungan daw niya kami (meaning eh papakasalan tatay ko). Pakershit! No! baka matulad na naman ‘to kay impaktitang kamukha ni Pokwang na gumago sa amin at nakaharbat ng halos 7k dolares! Wooh! No!
Kargador season na naman. Ke aga-aga eh ako ang pinagkakargador dito. Pota. Eh trabaho yun ng pinsan ni boss eh. Yung mabaho angkilikili na akala mo lagging bagong taon sa lakas ng pasabog. Tangina niya anlaki laki niya nakatayo langsiya at utos ng utos. Oh wells. Isipin mo na lang Samjuan workout yan nang mabawasan ang mga taba-taba sa katawan oki?
Wooohoo na lang. Oha, nakapag-blog pa ako bago mag-uwian! Hehehe. Ge mga kabayan,hanggang sa muli!
Ingats lagi.
—
P.S.
Magaling na nga pala yung sugat sa daliri ko, Salamat sa instant laway therapy na natutunan ko noon sa TV. Epektib sha pramis. Kamag nagkasugat ka, lawayan mo. Dilaan mo kung kaya mo. Wag ka na mag-inarte. Ang balita ko eh may mga enzymes ang laway na nakakapagpablilis ng pag-alerto ng mga white blood cells para ayusin ang nasirang tissues! oha!

0 Response to “Eureka!?”