Flush this

Dito na lang ako maglalabas ng sama ng loob mga kabayan. Yun eh kung ok lang naman. Kung pagod ka din, stressed at di feel na magbasa ng mga suka ng sama ng loob ng iba, maaring huwag mo nang ituloy ang pagbabasa nito hanggang sa tuldok.

Ok, salamat at nakarating ka sa susunod na pangungusap. Sigurado ka bang ready kang magbasa at makiramay sa aking mga wooooooooooooooooooohhlala at madaming mga kwentong buhay? Buhay? Sure ka na ba? Oks. Game!      

Ayan, hayaan mo munang ipaliwanag ko kung bakit dito ako ngayon maglalabas ng kwentong dapat eh sa mga immediate na kaibigan ko muna nase-share. Una, nahihiya na akong mag-share bigla ng mga rants at mga kung ano-anong anik anik sa buhay doon sa mga taong positibo lagi ang outlook sa buhay. Andiyang sasabihin mo pa lang na, “haaayy” eh mariringgan mo na sila agad ng: “Naku, ok lang yan, ikaw naman masyado kang negatibo.” O kaya naman pag napamura ka ng biglaan dahil sa halo-halong bugso ng damdamin kahit na wala ka naman talagang minumura o pinapatamaan eh maaaning agad at mapag-iisipan ka ng masama dahil palamura ka. Tangina!

Alam ko din namang may mag kanya-kanyang problema din ang mga tao na napagkekwentuhan o pagkukwentuhan ko kaya minsan napapaisip ako kung itutuloy ko pa ba ang pagsuka ng mga kwento at sama ng loob sa kanila o hindi. Anyways, since hindi naman kayo judgmental at hindi niyo naman ako mahuhusgahan agad eh mamarapatin ko nang magkwento sa inyo.

Kagabi eh napa-fuck my life na lang ako bigla kasi parang sabay-sabay na bumagsak sa akin yung bigat ng mga punyetang problema at mga pagsubok sa buhay ko. Andiyang aalalahanin mo pa, iisipin at gagabayan ang Itay mo na dapat sanang pagkukunan niyo ng lakas sa panahon ng krisis. Oo, naiintindihan ko, may mga bagay na mas ako ang nakakaalam, mas ako ang nakakaintindi, mas ako ang may kakayahang gawin, pero puchanggala naman o, pwedeng mapagod din ako? Wooh.

Kagabi kausap ni Itay si Italianang Kana na pwedeng makatulong sa amin. Ni-loud speaker niya. Fluents at magalings mag-english si Ate. Ang tatay naman oo na lang ng oo. Yung iba daw di niya maintindihan. Eh nung tinanong siya nung babae kung makakabayad ba siya kinabukasan, umoo na alng din siya. Sabi ko me ibabayad ka ba? Ha? Sabi ng tatay ko. Basta umoo na lang daw siya. Nag-sorry naman siya afterwards at baka sabihan ko na naman daw siya na panira kaya kami na;lang daw magkapatid ang umisip ng paraan kung papaano ang mas ok na diskarte dito kay Italian gerlet na tanders na na pwedeng pakasalan ng tatay ko para maayos sila ng kapatid ko dito sa bwakanang bansang ito. Ohwellpapel perahan na naman ito. Ang hirap nang mag-dive ulit kasi medyo sariwa pa ung sugat sa ulo namin mula sa pagkabagok doon kay ateng Pinay na kamukha ni pokwang na di naligo na nakahuthot ng halos 7k dolyares mula sa amin tapos ngayon ayaw magbayad. Heto namang si Italian gerlet eh babayran din at shempre peraaaaaaaaaaaaa na naman ang kelangan. Sana naman looord biyayaan niyo kami pls? pls? papakabait na ako pramis. At dahil sa kakaisip ko sa mga bagay na ganito, na knock-out ako ng tulog kagabi. Kablag! Paggising ko umaga na, namumugto ang mga mata ko na parang umiyak magdamag. Baka nga naiyak ako kaso di ko lang alam.

Ngayong araw pudpod ang mag daliri ko dahil sa halos kalahating araw na walang tigil na encounter sa mga butones. Nagtanggal kasi ako at nagkabit paulit ulit ng mga butones ng mahigit 100 na poloshirts para sa model photoshoot kanina. Tangina oa lang. ako lang ang tagabukas ng mag polo tapos tagabalik ng mga butones at taga-hanger. Haha. Isa lang din naman yung model. Per wait there’s more! Bago yun, tagaplantsa din ako ng sangkaterbang mga damit. Bagong dagdag sa mga all around trabaho ni Samjuan. Mga 120++ yun na polo shirts mula sa bagong clothing line namin. Ako din shempre ang taga-linis nila, taga bili ng kape at taga-buhat ng mga bagay-bagay kaya hindi na ako nakapag-lunch. Oh, bago ko makalimutan, tagabuhat din ako ng mga sangkaterbang mga kahon kaninang umaga. DI pa din magaling yung nagupit kong daliri mula kahapon. Sarap! Haha.

At yan muna nag updates sa buhay ni Samjuan sa ngayon. BRB at masakit na talaga ang mga daliri ko.

6 Responses to “Flush this”


  • hindi ko sasabihin na ok lang yan…
    dahil alam kong hindi..hindi ko rin sasabihin na kaya mo yan …dahil alam kong nakakaramdam ka na ng tipong on the verge of breaking down na ba…
    pero base sa kung ano-anong experience ko sa buhay… kahit na gaano kabwisit ng mga sitwasyon… take time to breathe… then smile.. desp[ite ng kung anik-anik na katarantaduhan at kabalbalan ang nangyayari sa buhay mo, pilitin mong ngumiti… kahit pano, gagaan ang pakiramdam mo… try it.. it works for me.. baka makatulong…
    tomorrow’s another day, u may experience the same things as today, pero it doesnt matter, its how u see things.. its how u look at it…
    ingats samjuan!

    Reply

  • hay. pakshet talaga ang buhay. may isang pilosopong tao na nagsabi na, kapag may ganyang mga pakana ang buhay, iinom mo lang yan. tulog ka agad, limot mo rin ang problema. maaring walang maitutulong ang lasingan portion pero kung tingin mo ay may maitutulong ka sa sarili mo, wag ka na mag-inom at gawin mo agad yung naiisip mong paraan. hahaha. kapitbahay namin yung lasingerong pilosopo.
    may mga problema talaga tayong di kayang kontrolin at nahihirapan gawan ng solusyon, pero sabi nga ng nanay kong bungangera, magtiwala sa Kanya. di yan ibibigay sa iyo ng Diyos kung alam nyang di natin kaya. mahal Niya tayo. Ang unsolicited advice ko? prayers parekoy. sa Kanya mo muna lagi isumbong ang mga nangungulangot sayo. tutulungan ka Niya. promises.
    napapagod ka in the same way na napapagod ang sangkaterbang reklamador dito sa mundo. pero di ka nag-iisa. marami tayong reklamador na napapagod. pero nakakaya naman, kahit paunti-unti. have faith pre. tayo pa eh gwapings tayo. isang tagay para sa problema mo.

    Reply

  • nakakatuwa na nakakapagsulat ka pa din ng nakakatawa. ganyan lang magmaintain ng sanity sa baliw na mundong ito. darating din panahon, ngingitian mo mga bagay bagay na yan. goodluck sayo. mahirap magpalaki ng magulang.

    Reply

  • sabi ng isa sa mga matalik kong kaibigan: kung ang problema may solusyon, gawin mo na. kung wala, e wag mo na problemahin. goodluck samjuam! :D

    Reply

  • sabi nila, para maibsan ang problema mo, makinig sa mga taong mas malaki ang problema sau. o heto.

    the other day, habang nagtetext ako sa kapatid ko, tumulo luha ko. sabi ko kay Lord, sana po bigyan nyo pa po ako ng trabaho…magtagal po muna ako sa saudi. panu kasi parang ang pakiramdam ko, lahat ng problema sa pera, napunta na sa akin. kasasahod ko p lang, wala na agad akong pera dahil naremit na sa Pinas.

    naguilty rn naman ako dahil alam kong mas marami silang inaalalang problema kesa sa akin. tatay ko kasi, makulit. me kaya kc e. kayabangan. kaya kung saan-saan kami napapasubo ng gastos.

    minsan, buntong-hininga na lang ako, sabay dasal.

    wattudu?

    sarap talaga pag me kaya ka sa buhay. d mo n kailangan pang problemahin ang pera. sana…manalo kami sa lottery. kahit mga 100m pesosesoses lang.

    Reply

  • eh di jan ka na lang lagi sa online prends mong di judgmental. tangina pala eh!

    Reply