Mga araw ng Perseid

Nang magposhower ang kalangitan ng mga bagay na di karaniwang natatagpuan sa earth, umuwi ako sa bahay na tuklap angkisame naming sa banyo. Para tuloy merong duyan na puti na nakasabit sa ulunan mo kapag naliligo ka o kaya jumejebs.

Sinabihan ako ng boss ko na di ko daw alam ang ginagawa ko at dapat daw eh nagawa ko na ang mga inuutos niya in 5 seconds. Oha?! Tumataginting na 5 seconds kabayan! Sorry naman sa kanya, siya na ang dios. Susmeng yan. Ok lang sanag pagalitan ka kung mali ka eh, pero nakakaburat talaga kapag siya naman ang mali tapos pinagpipilitan pa niyang ikaw ang may sala. Kung sushunga shunga ang bosing mo, di malayong atakihin ka ng mga tigyawats sa mukha. Wooh Stress!

Kahapon dahil sa kakulitan ng boss ko na lagyan ko dawn g bagong rules at filters ang kanyang webmail kahit hindi na talaga pwede, naisipan kong ipagsalo ang webmail niya sa outlook2007. Kung ano ano ang ginawa ko hanggang sa mapdpad ako sa pages-set-up ng mail gamit ang POP3. Aba malay ko bang toyo yung tanginang method na yun. Ayun, pagtingin ko sa webmail ni boss sa internet, tenen, limas ang files!

Walang tinira kahit folders man lang o anumang mensahe. Sinong nagpanic?

Nampucha mag aals kwatro na ako natulog kanina para doon. Salamat na lang at may dumamay sa akin na taong mahal ko kundi nasiraan na ako ng bait.

Maghapon niya akong binoboljakan. Yun ang past time ni bogboss today. Hello, more sigaw more fun.

Ayan nasgot ko tuloy siya kanina. Kala niya ha! Ayun napatahimik siya for a while.

Whew. Hingang malalim Samjuan.

2 Responses to “Mga araw ng Perseid”


Leave a Reply