Sa tuwing mahihiritan noon ng lola ko at ng mag tito tita ko yung mga kalaro ko o yung mga magulang ng mga kalaro ko sa kalye (yun bang tipong pipigilan nila akong makipaglaro kay ganito at ganyan dahil a]may putok daw siya b]adik daw ang magulang niya c]may utang daw sila sa amin d]masama daw silang impluwensiya) ay nasasaktan ako. Wala pa ata akong grade noon may ganung moda na yung ilan sa kapamilya ko. Noong mga panahong iyon, madalas akong magrebelde dahil mas kinakampihan ko ang mga kaibigan ko kaysa sa pamilya ko. Ganun ako noon.
Mas pabor ako sa mga kaibigan ko kasi mas may nararamdaman akong acceptance at belongingness noon sa kanila. Pinagtatanggol ko sila dahil, well, may bias ako sa mga kaibigan ko kasi ayookong mainin sa sarili ko na tama ang sinasabi ng mga lolo, lola at tito tita ko noon. Ngayon, naisip ko, kung tama man sila, magiging objective pa din ako sa pagtitimbang ng mga bagay-bagay. Sa mga taongnagdaan kasi sa buhay ko, natutunan kong makita ang madaming mukha ng mga katotohanan. Natutunan kong tignan, pakinggan, amuyin, lasahan at pakiramdaman ang bawat anggulo ng bawat kwento at natutunan kong wag maging mapanghusga kaagad.
Nitong nakaraan, may mga tampuhang nagaganap sa paligid na involved ang kapamilya ng mga kaibigan at mahal kong tao. Sa tuwing may maririnig akong kwento mula sa iba’t ibang panig, pinananatili ko ang pagtitimpi sa aking sarili. Dapat maging objective, wala akong dapat panigan since hindi ko alam ang tunay na katotohanan base sa madaming mga katotohanang nakahanay sa akin. Pero dahil involved ang mahal kong tao, aaminin ko, nasasaktan din ako sa tuwing may maririnig ako tungkol sa nanay niya.
____
Malungkot na araw nga pala ngayon sa pinas. Libing ni tita cory.
Condolences sa mga naiwang pamilya at kaibigan. Condolence sa sambayanang nagluluksa.

pabase!
mahirap maging objective pag mahal mo ang involved. hehehe.
kumusta samjuan? *kaway*
Hey there Samjuan, ang hirap naman ng lagay mo.
Kamusta ka pala
we are trained to be objective always