sakit sa pantog

Bukod sa tortang talong at tuyo, mainit-init din na agahan ko yung balita ng armed robbery sa malapit na Walgreens (parang 7-eleven pero may pharmacy sa loob) sa bahay namin. Kaya naman pala abot-abot ang pag wang wang ng mga sirena ng kapulisan habang naliligo ako. Panalo lang ang coverage nung mga pulis na humahabol sa suspects. Yung isa, umakyat ng building tapos pa-cool effect lang siya. Chill lang. walang ginagawa yung mga pulis hangga’t di nila nasisiguro kung suspect nga siya. Panalo sa super zoom ng camera ng chopper na naka-posisyon ng sobrang layo sa building pero tanaw na tanaw si kuyang suspect. Sabi ng tatay ko, kung sa Pinas daw yun nangyari, matagal nanag nabaril yung suspect sa bubong. MEdyo antagal ng mga bus at antrapik kanina. May umepal pang ambulansiya sa kalsada. Ayun, sabi ng mga chismoso’t chismosa sa bus, tumalon na daw yung suspect sa bubong.

___

Kahapon umihi ako sa pader. Sensya na, dito ko pa ito sa Tate nagawa. Kumusta naman kasi ang kakulangan ng public cr dito ano? Pasok ka ng Mcdo o anumang kainan, walang pampublikong cr. Minsan maghuhulog ka pa ng barya sa pintuan bago bumukas. Kala mo naman napaka linis. Eh andumi naman usually at mapanghi, pfft! Anyway, ako eh napilitangumihi sa pader kasi naman late pumasok yung mga magbubuka sng gate ng opisina. Tagal kong naghihintay sa labas pero wala! Wala! Wala! Wala pa sila at magiging baton a angihi ko kap[ag hindi ko pa nilabas. So gudlak sa mabilisan at pwersahang paglalabas ng mainit kong sabaw sa takot na mahuli ng pulis. At whew, (o anong sarap!) natapos ako bago dumaan yung rumorondang pulis.

___

In 6 months, maba-bankrupt na daw kami. Oh tapos? Churanetong bossybigboss. Wag naman. Wag n asana siyang patanga tanga sa buhay at negosyo. Susme. Kung makautos naman kala mo kung sinong Panginoong  Maykapal. May kapal lang naman siya at fireworks sa kilikili at madaming pera. Naku, cannot be akong mawalan ng trabaho. Wag poooooooooooooooooo.

1 Responses to “sakit sa pantog”


Leave a Reply