Anakngpusangmalagkitnamandahilsakatangahan o! Bakit ba sa mga di inaasahang pagkakataon ka pa magkakamali sa pinagpadalhan ng text message? Sheeeeeet!
Umagang-umaga naipadala ko ang text na para sa kaibigan ko sa tatay ko. Ang laman ng txt message:
“Nakakainis talaga si Pa. grr. Panira. Ayaw sagutin ang telepono.”
Kaya pala hindi ako nirereplyan ng katext ko tungkol sa tatay ko eh hindi niya pala natanggap yung mensahe ko.
Tatay ko ang nagreply:
“at kung panira ako sa akala mo eh pagpasensiyahan mo nalang din po ako at siguro sa galit k lng kaya ako gani2 at d ko kyo crain o panira sayo pasencya ka na lng po.”
Shet nasaktan siya. Well, ako na may kasalanan inaamin ko.
Then after nito, yung babaeng papaksalan sana ng tatay ko para umayios na ang kapapelan naming ditto eh nagback-out matapos makaharbat ng ilang libong salapi mula sa amin (take note: ilan dun eh inutang ko pa). Hello tadhana, sinusubok mo na naman kami.
Maaga ding dumating si Bigbossing. Utos galore tapos nahanapan na naman ngbutas yung ginawa ko sa email niya na. Ayos na naman yun. Churaniya.
Anyways, uwian na naman at salamat sa dios ng intarnets nakapagblog pa ako. Brb mga kabayan.

Awwww parang noong biglang nabasa ng mother ko yung blog ko na may halong tampo. Nagdamdam din siya at nagpakadefensive sa lahat ng nakasulat. Yun ang dahilan kaya madalas ang totoong kwento ng buhay ay dapat na naka-private hahaha… Sana ok na kau ng tatay mo
Hahaha… kaya’t sa susunod na magba-blog ka naman tungkol sa lola mo Klet, siguraduhin mong ‘di nya magogoogle ang blog mo
Tagal kong di napadpad dito kabayan ah! Siguro ang past life ng boss mo ay isang…….. MALAKING BUNGANGA!
Ingat kabayan!
waaaaa nanay po hindi lola waheheheheh … ala akong lola techie wehehehheeh
kaya nga madalas puro alyas na lang ako eh o kaya di na lang ako nagkwekwento masyado ng personal kong buhay para safe weheheheheh
waaa! what a text booboo! hehehe!
hi samjuan! *kaway*
tsk. text oh no nga talaga yan.
ang sama naman nun gurl. tsk tsk.