Sadyang may mga taong hindi sanay sa pressures ng buhay at kapag na-pressure sila masyado eh madali silang mag-init at sumabog. Kapag nangyari yun, tiyak mararanasan mo ang mga di kaaya-ayang mga ugali nila. Panalo lang sa bodegasina ngayon. Dahil pressure season na at dahil walang sense ng projection at matinong pamamalakad ang aking kataas-taasang panginoong may-lupa, eh naglalabasan tuloy ng mga nakakatangang mga ugali ang mga tao.
Nakaka-stress na tunay. Ako eh muntik nang maluha sa pressure kahapon pero sabi ko na lang sa sarili ko, mas kawawa yung character na bumbay sa binabasa kong libro. Isa pa, natutunan ko noon pa na kapag sumasagi sa isip mong kawawa ka eh isipin mo na lang na madami pang mga mas kawawang tao sa iyo. DI ka naman nag-iisa sa mga dinadanas mong paghihirap at katangahan at ka-bullshitan sa mundo. Naisip ko, di naman ako kasing malas nung scuba diver na nasalop nung helicopter na naghahakot ng tubig sa dagat para ipansaboy sa mga nasusunog na parte ng bundok sa California. Kawawang scuba diver, natagpuan na lang na tostado sa bundok makaraan ang ilang araw. Tsk. Tsk.
Kapag naistress ka dahil sa katangahan ng iba at nasa sitwasyon ka na kung saan di ka makapalag ng matino dahil maagrabyado ka, isipin mong nasadlak ka sa kumunoy. Kailangan mong kumalma at wag pumalag-palag para makaahon ka agad. Kalma lang. Kasi diba. Kapag lalo kang pumalag at gumalaw-galaw sa kumunoy eh lalo kang lulubog?
Anyways, biyernes nang muli sa Amerika. Hapi weekend mga kabayan. Soobrang busy ni Samjuan ngayon. Pramis magbablog-hop na ako pag naglaroon ng pagkakataon. Mabuhay ka!

Ako, honestly, madali talaga ako ma-pressure. On trait I’m trying to change but I’m having a hard time doing. Pag pressure ako, mabilis uminit ulo ko. Kawindang!
Lihim akong natatawa kapag may nakikita akong nape-pressure na tao. Dahil doon lumalabas ang pangit sa kanya. Haha.
Sabi nga ng friend ko: don’t get affected. You should be detached.
Un ang inuulit ulit ko kapag bumibilis ang palpilation ng aking puso dahil sa pressure ng trabaho.
D mo kaya i-try ang yoga, Samjuan?
“Cramming makes perfect.”
Yan ang natutunan ko noong college pa ako. Magandang training para sa stressful na trabaho.
isipin mo na lang kabayan na di sapat ang bayad nila sayo pambili ng bagong puso pag pumalya yang sayo dahil sa tindi ng pressure. laking lugi mo dun!