Chumochongke ata magdamag yung manong na katabi ko kanina sa tren. Panalo pare, langhap na langhap ko ang amoy niya. Ashteeehg pre. Am soo high. Haaay. Haha. Tagal ko nang din naka-update. Hostage kasi ako ng sangkaterbang trabaho. Woot. More stress at more katangahan sila more fun. Panalo pa yung suggestion na bumalik na lang daw kami sa primitibong sistema- ang mano-mano papel system. Oh yes! Di kasi digs ni Bigbosing ang bagong computer programna binili niya. Paano ba naman niya maiintindihan eh ayaw naman iyang gamitin, pag-aralan at intindihin? Ala na siyang ginawa kundi mag-utos nang mag-utos. Nakows.
Andito din yung kapatid niyang gerlet na tanders na ano pa nga ba (drumrolls pls) tenen- utusera! Ok lang sana eh. Mahinahon naman siya pero sunod-sunod siya mag-utos tapos amoy toyo pa siya. Oh yes, soy sauce at its best. Anakngtoyo naman oh. Ang moy ng pagkainkapag sa tao nanggaling eh medyo nakaka eeeew.
***
Dalawang beses ko nang napapanaginipan yung Amerika na nagka total black-out. Yung una eh nung bumaba ako ng bus sa kantong binababaan ko noon sa may tapat ng Mcdo. Pitch dark ang paligid mga kabayan tapos nung buksan ko yungphone ko, may naaninag akong itim na pusa tas hinabol ko siya patawid sa kabilang kalsada.
Etong pangalawa naman eh patawid kami ng kapatid ko sa kantong malapit sa lugar na nalipatan naming apartment. Di namiin namamalayan na nagdidilim nap ala yung mag lugar na nalakaran na namin. Tapos, nung malapit na kami sa Walgreens, nablackout din dun tas sa paligid hanggang ma-realize namin na parangkinakain na kami ng dilim. Hinila ko kapatid ko at akma kaming tumako patawid pabalik sa bahay nang may dumaang kotse ng pulis sa kadiliman (walang ilaw ilaw yung sasakyan) tapos nagising na ako.
***
Kagabi nanaginip ako na isa daw akong superhero laban sa mga zombies/halimaw/aswang sa loob ng mall. Ang aking sandata—ang makapangyarihang palaspas na napulot ko sa basurahan. Di ko alam kung bakit may mga ganito akong panaginip.

gustuhin ko mang i-interpret ang panaginip mo, eh wala sa kakayahan ko yun.. kaya gusto ko na lang sabihin na malamang gusto ka lang bigyan ng ideya para sa mga susunod mo pang posts.. =)
matagal na po akong nakikibasa dito sa site nyo.. actually, makailang beses na kong sumubok na mag-iwan ng mensahe kaso ayaw talaga tanggapin, sana naman ito okay na.. nilagay ko nga po pala kayo sa blogroll ko ng walang paalam dahil nga di ako makapag-comment.. pasenya na po.. nais ko rin sanang maging sambuddy kung inyong mamarapatin..
mabuhay ka samjuan! =D
good post sa chongke.. i’m your fan man.. I’ve just created my second wordpress account. hehe.. astig. anyway, saw you as one of the winners in blogawards thing.. great man!