lunchbreak

Kanina 3pm ako nag-lunch. Kahapon 4 pm. Madalas 2pm. Ang point, wala akong matinong lunch time s aaking trabaho, Ansaya hano? Nakakapayat na tunay. Berigud sa tumaba kong pangangatawan mula nang mag Amerika ako. Oks lang din, Sanayan lang. Nakaranas na din naman ako ng ganito noong rumaraket ako noon sa Pinas sa pa-events ng isang sikat ng bag brand. Production staff kami. Bale taga ayus ng lahat, backstage, presentation, runway ng model modelans, taga ayus ng damit at gamit nila, tagabili ng pagkain, tagabitbit ng ganito at ganun, tagapamahala sa lights at sounds, extra minsan sa stage, taga hanap ng contestants at madami pang iba. 7am ang call time, 12 ng madaling araw ang uwian, mga 3 pm din ang lunch o kung kelan pwede. Sa isang maghapon na iyon, may kita akong 500 piso noon. Mahirap pero ok na din. Pera din yun.

Ngayon, yun na lang din iniisip ko.  Pera din ‘to. Tiis tiis muna. Pasasaan at aayus din ang lahat. Basta alam mong nasa tabi mo lang ang pamilya mo at mahal mo sa buhay, walang pagsubok na di kakayanin. Naks. Wooh. Grabe lang. Isa pang wooooooooooooh. Kapagod sa bansang ‘to. 2 hours na byahe one way, 8 hours mahigit sa work, 2 hours ulit pauwi tapos luto, kain, hugas plato, higa saglit at tulog na at ganun ulit bukas. Whew. Makinig na lang muna tayo kay Sarah McLAchlan.lunchbreak

0 Response to “lunchbreak”


  • No Comments

Leave a Reply