Pwede magmura lang saglit? Pakinaangshetes! Argh. Naipit ako nung higanteng electronic gate ng bodegasina kaninang papasok ako. Grabe. Mga limang minute akong nakikipaglaban sa pwersa nung higanteng gate para lang di ako tuluyang mapisa. Feeling ko medyo nadurog ang ribcage ko at buto sa kanang palad. Gudlak naman ano. Napasigaw pa ako ng malakas na aaaaaaarghhhh open the gate! Tas wala lang, kebs lang ni kuya na nag-ooperate ng gate. Tangina. Masakit pa din dibdib ko habang tinatayp ko ito ngayon. Kasi naman Samjuan, papasok pasok ka sa maliit na lagusan ng gate. Chura naman kasi ni kuyang nagbukas, anliit ng inopen na part so pinilit ko naman magkasya agad para di ako ma-late and then tenen, bigla na lang sumara si gate. Teka hihinga lang ako. Literal na masakit sa dibdib. Lessons for the day: Una, wag ipagpilitan ang sarili sa makipot na lagusan lalo na kung electronic ang gate at higante pa. Pangalawa, kahit gaano ka pa kalakas sumigaw, parang ang hina pa din ng boses mo kapag puro ibang lahi mga nakakarinig sa iyo. Ok. Hinga.
****
Para mawala ang pagod at makapag-relax naman kahit papaano, binuksan ko ang telebisyon kagabi. And look what I saw- tenen! Wala. Blanko. Yung isang TV na napulot naming sa kanto, puro static. Ung Malabo na gray tas tssshhhh ang tunog. Yung maliit naman na TV na binigay sa amin noon ng kakilala eh puro kulay blue lang ang nasa screen. Tahimik. Ok, samakatuwid, wala na kaming cable. Yay?! Amputek nay an. Natuklasan na ata nung kapitbahay o nung cable company na nakikikunek lang kami sa live cable wir ena natagpuan namin sa apartment nung lumipat kami doon. Di bale, matagal din naman naming iyong napakinabangan. No more TV for now.
****
Masaya ako kasi nakausap ko kagabi yung superduper kaibigan ko nung hayskul, Antagal na naming di nag-uusap. Salamat sa skype at sa ym, malayo man, malapit din. Namiss ko ang kakupalan nung babaeng yun!
****
Ayoko maburyong at maburat muli sa work kaya naman sa tuwing nakikita ko yung iginuhit kong smiley face sa kuko ng hinlalaki ko sa kaliwang kamay, Panalo ang tinta ng bolpen. Try niyo din yun minsan. Di naman maduming tignan. Haha.
****
Ok, balik sa trabaho.

yay! mukha ngang masakit yan… tsk tsk tsk
baka sa isang linggo pwede na ulit kayo maki-cable.. hindi naman siguro nila araw-arawin i-check kung nakikikonek kayo diba? hahaha
at ang mga smiley faces sa daliri? gawain ko yan nung college ako hehehe pantanggal antok pag sobrang boring ng klase..
ouch!.. sakit naman nyan!..
agree @ malayo man, malapit din.. maraming salamat talaga sa teknolohiya..
p.s. – extra ingat sa sunod na pagpasok sa maliliit na lagusan.
@gate, parang naimagine ko nung naiipit ka sa gahiganteng gate. hehe..
@TV, pano yan ndi ka na updated sa mga News sa philippines. Kulang kulang naman sa website eh
Okay lang yan, maginternet ka nalang to the max.. hehe
Masakit nga yan Call 911
Oo nga walang ngang pakialam mga ibang lahi kahit humingi ka pa ng tulong iba parin talaga ang mga pinoy!!!