Ngumunguya ako ng bubblegum tapos ngumata ako ng madaming whole almonds. Ayus lang, naghalo ang tamis ng goma tsaka yung crunchy at mani-texture ng almonds. Nung mga naka mahigit sampu na akong almonds, kumapit yung mga maliliit na butil sa bubble gum, so para kang ngumunguya ng malambot na bagay na may prang maliliit na buhok. Basta ang weird sa pakiramdam. Pero since bored ako, kinakin ko pa din. After mga ilang minute, lumambot ng todo yung bubblegum na parang nawala yung pagkagoma niya. Di kaya nalunok ko na yung ilang piraso ng goma kasama ng mani? Natakot na ako nung sobrang lambot na niya parang ostia na basing-basa ng laway. Wala lang share ko lang.
/
Pramis, madami akong dapat na ikwento kaso naknampuchang ka-busyhan ito. Sensiya na mga abayan. Babawi ako pramis. Busy season kasi ngayon so super alipin mode ako. Ngayon eh sumimple lang ako mag-blog sa dito sa kabilang computer haha.
/
Sana pag-uwi ko ng Pinas ay maabutan ko pang buhay yung Raon at Hidalgo, mga DVD mecca ng mga taong mahilig mamelikula pero nagtitipid ng todo.
/
Meron ako ngayong pagkalaki-laking tigyawat na kulay pula sa gitna ng noo. Perfect! Parang infrared device lang o kaya emergency button na kapag pinindot mo eh magtatransform ako at lalabas ang aking superpowers at mawawala lahat ng problema sa mundo at lahat ng mga bwakananginang lumoko sa amin at nagtangay ng limpak limpak na dolyares ay tutubuan ng pagkarami-raming ketong sa buong katawan na mapupuno ng nana na hindi nila maiiwasang kamutin hanggang sa isa-isa iyong pumutok at dumugo.
/
May nagjujugjugan na naman sa itaas na unit ng apartment compund sa amin. Maingay ang kama. Mas maingay yung lasing na sigaw ng sigaw ng “Shut the fuck up you fucker!” sa labas.
/
1:16 ng umaga. Wala pa din akong asawa.
Nang humupa yung kapangyarihan ng nilaklak kong malaking lata ng energy drink kanina, bigla kong naramdaman yung pagod ng maghapon- yung pagod ng pag-aayus ng paulit-ulit ng mga kung ano-anong mga papel papel, yung pagod ng pag-akyat baba mula bodega papauntang opis, yung pagod ng pag-iisip kung papaano nga ba talaga maayos ang kabuhayan dito sa bansang ito, yung pagod ng pagbbyahe ng dalawang oras sa bus at tren pauwi. Pagkatapos kong maghapunan, humiga na ako agad, ipinasak ang headphones ng mp3 player sa tenga at natulog. Pagkagising ko, naligo ako, nagbihis agad at ginawa ang iba pa sa aking mga morning rituals. And then, tenen!!!!!!!!!!!!!! 5:45am pa lang. tangina. Akala ko alas siete na pakshets! Ayan nakapagblog pa ako. Brb. Papasok na muna ako.
Umagang-umaga nabasbasan ako ng ipot ng ibon habang naghihintay ako ng bus sa bus stop. Nagpalit ng ruta ang bus kaya medyo na-late ako ng pasok sa opisina. Woooooohyeah! Parang isinumpa ang mga telephone lines namin kanina. Walang tigil. Parang naging customer service/tech support/sales agent ako kanina bukod sa kaing usual na all round alipin na trabaho. Pag-uwi ko, napansin kong tadtad ng mga maliliit na sugat ang aking mga kamay at daliri. Maulan. Makulimlim at ubod na ng lamig dito sa lugar namin dito sa Tate. Nakakamiss mayakap yung taong gusto mong kayakap. Weeee.

Efren Peñaflorida
Mga kabayan, panalong panalo naman ang kwento nitong kababayan naitng si Efren Peñaflorida na naglaan ng panahon para makatulong sa kapwa. Sa kanya, hindi naging hadlang ang kahirapan at mga kakulangan sa buhay.
Mabuhay ka kabayan!
Heto ang kanyang kwento- click! click!
Maari natin siyang iboto dito- click! click!
Pwede kayong bumoto ng wantu-sawa. Boto na!
SamComments