(+)+(-)

Ginataang alimasag na may kalabasa at pritong manok ang tinanghalian ko ngayon. Sabi ng lola ko noong bata pa ako, bawal daw kumain ng kalabasa tsaka manok ng sabay. Magkakaketong ka daw.

Minsan nakakain ako ng manok tapos madaming kalabasa. Masarap kaya. Di ako nakatulog magdamag. Inabangan ko si ketong. Bleh! Hindi siya dumating. Naligaw ata. Bwahaha. Whew.

Kanina pagtakbo ko sa lamesa ni bigbossing para sagutin ang telepono, nagkaroon ng split-second na spark na malakas. As in spark tas may parang crack na tunog akong narinig matapos kong hawakan ung handset ng telepono. Sa lakas ng kuryente, napa-igtad yung kamay ko, muntik ko nang maibalibag yung telepono. Tangina ang lakas talaga. (oha napamura pa ako)  Pagtesting ko ng telepono, tenen, wala nang ilaw-ilaw , wala nang dial tone at hindi na siya gumagana. kinabahan naman ako for 2 minutes, Inalis ko yung chord ng phone at binalik muli. Awa ng kalawakan umayus naman. whew.

Pero seryoso, ano kayang meron sa bansang io at ang lakas ng electric charges? Minsan nagspark na rin kami ni bigbossing nung may inabot siyang papel sa akin at may napadikit na parte ng balat niya sa balat ko. Pareho kaming napaatras. Naku dati nga, yung medyas sa dilim, kapag pinadaanan mo ng daliri mo, kikislap tas mag i-spark. wooh!

Di ba nagkakaroon lang ng ganitong pagi-spark ng kuryente pag nagtatagpo ang positive at negative na charges? Anudaw? pls enlighten me mga kabayang mahilig sa kuryente. i thank you. bow.

4 Responses to “(+)+(-)”


  • ang tawag ata dun eh “van de graaf”… search mo nalang kay pareng google tapos irerefer ka niya kay walang kamatayang si wikipedia.. tinatamad ako eh.. hehe

    Reply

  • yeah, ganun talaga ‘pag nagdikit ang magkaibang charges..lalo na kung malakas pareho..minsan nakakagulat pero minsan malakas talaga like noong minsang mahawakan ko ang monitor ng pc’ng ginagamit ko..napasigaw ako..hehe..pero ‘yung talagang scientific explanation, ‘di ko alam .. ^_^

    newey, astig yung header ah.. :D

    Reply

  • Dito kasi sa Tate mas mababa ang humidity kaysa sa Pinas lalo na sa panahon ng tag lamig kung saan ang balat o bibig natin ay nagkakasugat sa sobrang tuyo. Pag ang humidity ay mababa mas madali magkaroon ng “static charges buildup” lalo na kung ang opis o bahay nyo ay carpeted. Pag sobrang malakas yung “static discharge” minsan nakakasira ito ng electronics devices lalo na yung mga bagong portable gadgets ngayon na may maliliit na “electronic components” na madaling masira ng “static discharges”.

    May mga paraan para maiwasan ito. Isa dito ang pag gamit ng humidifier sa kuwarto sa panahon na mababa ang humidity.

    Reply

  • naks. ang astig naman ng reply ni jojo. bagong kaalaman! maituro nga sa mga pasyente dito. haha

    Reply

Leave a Reply