Ngumunguya ako ng bubblegum tapos ngumata ako ng madaming whole almonds. Ayus lang, naghalo ang tamis ng goma tsaka yung crunchy at mani-texture ng almonds. Nung mga naka mahigit sampu na akong almonds, kumapit yung mga maliliit na butil sa bubble gum, so para kang ngumunguya ng malambot na bagay na may prang maliliit na buhok. Basta ang weird sa pakiramdam. Pero since bored ako, kinakin ko pa din. After mga ilang minute, lumambot ng todo yung bubblegum na parang nawala yung pagkagoma niya. Di kaya nalunok ko na yung ilang piraso ng goma kasama ng mani? Natakot na ako nung sobrang lambot na niya parang ostia na basing-basa ng laway. Wala lang share ko lang.
/
Pramis, madami akong dapat na ikwento kaso naknampuchang ka-busyhan ito. Sensiya na mga abayan. Babawi ako pramis. Busy season kasi ngayon so super alipin mode ako. Ngayon eh sumimple lang ako mag-blog sa dito sa kabilang computer haha.
/
Sana pag-uwi ko ng Pinas ay maabutan ko pang buhay yung Raon at Hidalgo, mga DVD mecca ng mga taong mahilig mamelikula pero nagtitipid ng todo.
/
Meron ako ngayong pagkalaki-laking tigyawat na kulay pula sa gitna ng noo. Perfect! Parang infrared device lang o kaya emergency button na kapag pinindot mo eh magtatransform ako at lalabas ang aking superpowers at mawawala lahat ng problema sa mundo at lahat ng mga bwakananginang lumoko sa amin at nagtangay ng limpak limpak na dolyares ay tutubuan ng pagkarami-raming ketong sa buong katawan na mapupuno ng nana na hindi nila maiiwasang kamutin hanggang sa isa-isa iyong pumutok at dumugo.
/
May nagjujugjugan na naman sa itaas na unit ng apartment compund sa amin. Maingay ang kama. Mas maingay yung lasing na sigaw ng sigaw ng “Shut the fuck up you fucker!” sa labas.
/
1:16 ng umaga. Wala pa din akong asawa.

yaan mo, pagsapit ng alaskwatro, magkakaasawa ka na…
=D
Reply
Ang bebelgam, ang tigidig at ang lasing! Alternative title yan haha!
Yo Sam
Reply
“Parang infrared device lang o kaya emergency button”
-natawa ako dito pramis… hahahaha
meron ka rin palang halo-halong watevers na post hehehe….
kumusta naman kabusy-busyhang kabayang sam?
Reply