Tao1: Alam mo sa tuwing gigisng ako ikaw nag naiisip ko. Kapag nasa school ako ikaw nag iniisip ko. Pag matutulog ako, ikaw nag naiisip ko.
Tao2: (Tahimik lang)
Tao1: Tapos, sa tuwing gigising ako, ikaw ulit magigising ko. Alam mo bang ikaw lang ang naiisip ko maghapon?
Tao2: (Tahimik lang ulit)
Tao1: Pero alam mo…
Tao2: (Napa-now what? wtf are you gonna say next? Na mukha)
Tao2: DI na kita naiisip. Paggising ko, wala na. Pag matutulog ako, wala na. Wala na akong pakiramdam.
(Kuliglig)
Mga kabayan sa New York, Miss na miss mo na ang lutong Pinoy? Aba may astig palang kainan diyan eh. Ang pangalan ay Umi Nom at Kuma Inn.
Astig lang. Nabasa ko dito sa New York Times yung article tungkol sa kainan. Mukhang astig eh.
Eto ang kanilang address:
433 DeKalb Avenue (Classon Avenue), Bedford-Stuyvesant, Brooklyn; (718) 789-8806,
Eto ang kanilang website http://uminom.com/
(kung sakali mang may mapadaang shooting star at kung sakalaing makapag blog-hop dito sa aking pahina ang panginoon ng snag-kalawakan) Continue reading ‘Eto ang wish ko tonight’
Published on
November 14, 2009 in
kabataan.
Mahapdi pa din yung kurot ni Ms Punzalan sa singit ko noong tanghaling yun. Dalawang araw na yata ang nakakalipas mula ng inatake ng mga mala-sipit na daliri niya yung makinis kong singit dahil nag-panic at nagtilian yung mga batang babae nung pumasok ako at umihi sa cr nila. Nasa Preparatory school ako nito. Di ko naman talaga alam na hiwalay ang cr ng lalake at babae dahil sa bahay namin noon eh iisa lang naman ang banyo. Yun ang isa sa mga mahahalagang aral na natutunan ko noong Prep. Sa pagkakatanda ko eh nagpasa yung kurot ni teacher pero di ko na iyon sinabi sa mga magulang ko.
Noong tanghaling iyon, habang nagfa-flashback sa utak ko yung mga kantang inaral namin for the day (yung it’s I, it’s I, It’s I who build community, yung mga baa baa black sheep at iba pang mga kantang pambata) at nangingibabaw yung kirot sa aking singit, tahimik kong hinihintay yung military jeep na susundo sa akin pauwi. Continue reading ‘Prep lessons’
Alas tres ng madaling araw, Bandang kanluran ng America. Kagigising ko lang mula sa kakakaba-kabang panaginip na dinaig pa yung ibang pang-halloween kong mga panaginip na may mga sumasabog na ulo at bumubulwak na utak. Iba ito. Shet. Nanginginig pa yung mga laman laman ko at kinakabahan pa ako. Tangina. Whew.
Sa panaginip ko, Madilim, umuulan, kumikidlat sa labas. Nasa malaki kaming bahay. Building type na mataas. Yung kapatid ko nasa pinakamataas na palapag. Aware ako na yung tatay ko nasa labas at di ko siya dapat papasukin. May baril ako na hawak. Sumilip ako sa labas. May manang na sumunod sa akin. Hinawakan ako sa balikat. Sinabing bisian mo. Di siya dapat makapasok dito. Sa may bakanteng lote sa labas, nakita ko yung anino ng tatay ko nung nagliwanag ang paligid sahil sa kidlat. SUmigaw ako sa bintana sa taas, sabi ko sa kapatid ko, buksan lahat ng emergency lights,nang ginawa niya yun, nagulat na lang ako, papunta na sa direksiyon ko at ni manang yung tatay ko. Mabilis siya, nakakatakot. Killer na killer yung dating. Kung nanonood kayo ng palabas na Heroes, biglang naging kamukha ng tatay ko si Sylar. Putangina anlakas niya. Continue reading ‘minsang ginising ng bangungot’
SamComments