Alas tres ng madaling araw, Bandang kanluran ng America. Kagigising ko lang mula sa kakakaba-kabang panaginip na dinaig pa yung ibang pang-halloween kong mga panaginip na may mga sumasabog na ulo at bumubulwak na utak. Iba ito. Shet. Nanginginig pa yung mga laman laman ko at kinakabahan pa ako. Tangina. Whew.
Sa panaginip ko, Madilim, umuulan, kumikidlat sa labas. Nasa malaki kaming bahay. Building type na mataas. Yung kapatid ko nasa pinakamataas na palapag. Aware ako na yung tatay ko nasa labas at di ko siya dapat papasukin. May baril ako na hawak. Sumilip ako sa labas. May manang na sumunod sa akin. Hinawakan ako sa balikat. Sinabing bisian mo. Di siya dapat makapasok dito. Sa may bakanteng lote sa labas, nakita ko yung anino ng tatay ko nung nagliwanag ang paligid sahil sa kidlat. SUmigaw ako sa bintana sa taas, sabi ko sa kapatid ko, buksan lahat ng emergency lights,nang ginawa niya yun, nagulat na lang ako, papunta na sa direksiyon ko at ni manang yung tatay ko. Mabilis siya, nakakatakot. Killer na killer yung dating. Kung nanonood kayo ng palabas na Heroes, biglang naging kamukha ng tatay ko si Sylar. Putangina anlakas niya. Naisara ko yung pintuan bago siya makapasok pero naitulak niya ito at kinuha ang baril sa akin. Bago pa man siya makagawa ng anuman, nahampas siya ng kahoy ni manang na mas maliit pa sakin. Tumakbo yung tatay ko na kamukha ni sylar palabas ng bahay. Muli, tinangka namin ni manang na isara yung pinto at harangan ito ng mga bagay bagay. Kadiliman. Sabi ko sa kapatid ko maghanap na siya ng taguan. Dadating ang tulong anumang oras. Umakyat kami lahat sa taas. Madilim pa din na may panaka-nakang kidlat na nagbibigay ilaw sa paligid. Katahimikan.
Isang malakas na kalabog ang bumasag ng katahimikan. Nasa loob na siya. Nakapusisyon ako sa isang sulok sa may pintuan o sa hallway bago makapasok sa kwarto ng kapatid ko. Sunod na imaheng nakita ko eh ang tatay kong tumatakbo palapit sa akin, sumisiga, may dalang baril. Nagising na ako.
___
Sabi ni Itay kanina, namimiss daw niya si Dadi, ung lolo namin na yumao noong grade 3 ako. Kaya pala nagpabili siya sa akin ng sangkaterbang goldilocks mamon. Yung kakaibang amoy daw ng mamon yung nagpapaalala sa kanya kay Dadi. Dati daw kasi noong mga bata pa sila, silang magkakapatid lang daw ang nakakakain ng mamon na masarap na galing pang vietnam doon sa prubinsiya.
Dating vietnam war veteran si Dadi. Kung inayus lang niya sana ang mag bagay bagay noon eh marahil noon pa napadpad dito s abansnag ito ang pamilya namin. Eh kaso hindi. Inuna niya ang paglalasing. Peor oks lang, walang Samjuan ngayon kundi nagkakilala ang tatay ko at nanay ko sa isang ospital ng mga sundalo noong unang panahon.
___
Noong mga bata pa kami, nangangaluluwa kami sa prubinsya. Ang undas ay panonood ng MGB (Magandang Gabi Bayan) Halloween Special, mga kwentuhang multo at katatakutan, kainan ng kakanin at pagdadasal. Dito sa Tate, paang isang malaking costume party ang halloween. Parang mas patok pa yung halloween dito kesa sa pasko. Masaya nga naman ang karamihan. Parties, costumes at trick or treats. Noong gabi ng trick or treat, umalis ang tatay ko kasama nag kanyang new found friends. Yung kapatid ko naan nag trick or treat at pumarty with friends. Ako? PInatay ko lahat ng ilaw, nag earphones, natulog.
___
Salamat sa bagong station ID ng ABS-CBN, napakalma ako at nawala yung takot na nararamdaman ko mula kanina

0 Response to “minsang ginising ng bangungot”