Kagabi lumapang kaming mag-anak ng ulo ng salmon. Mmmalaman. Masarap sumipsip ng utak ng isda lalo na pag may kasamang sabaw ng sinigang. Naisip ko lang, ano kaya ang naiisip ng ulo ng salmon kapag kinakain mo yung utak nila. Magulo din kaya ang utak ng mga isda gaya ko?
***
Yung mga mini mutant ipis sa amin ay nagsilakihan na. There are ipis everywhere. Near, far, wherever you are andaming lintek na mga ipis. Shet lang. Kahit anong linis mo kada oras kung yung kapitbahay mo naman madumi din, boo. Lalamunin kami ng ipis empire anytime soon. Sabi ko nga sa tatay at kapatid ko, masasanay din kayo diyan.
***
Kagabi habang ka-chat ng kapatid ko sa may webcam yung pinsan naming bata na si Dreidrei na may pinapakitang bagong talento sa pagpa-plawta, may hirit na naman ang tatay ko.
Sabi ko, grabe anlaki na niya. Kamukha niya yung ate niya.
“HINDI!!”
Tumataginting na protesta ng kapatid ko at tatay ko.
“Magkamukha kayo!” magkasabay nilang sinabi.
Ako naman umoo na lang. Tapos pabulong na hirit ng tatay ko: “Wag lang sana yan maging tulad mo na ano… “
Anudaw?
Aba ewan ko. Puro ano naman kasi ang inaano ng tatay ko. Haha.

0 Response to “Ano?”