Noon sabi ko sa dati kong girlfriend,
“Gibain mo ang ginawa mong mundong ‘ako’, mas malawak ang tunay na mundo at doon, madami pang ibang taong involved hindi lang tayong dalawa. Yun ang reyalidad na kelangan mong harapin. Hindi lang sa atin umiikot ang mundo.”
Ngayon, nasabi mo sa akin na andami kong iniisip palagi. Anggulo ngutak ko at kung ano ano ang iniisip o naiisip.
Pero wag ka, kanina ko lang naisip kung ano nga ba yung palagi kong iniisip, naiisip at iisipin pa sa hinaharap. Parang “eureka!” moment lang habang naglalakad ako paakyat mula sa bodega papunta sa opisina kasi nga di ko maiwasang hindi isipin sa bawat segundo, sa bawat minute, sa bawat oras yung palagi kong naiisip- ikaw.
Alam mo na kung sino ka. Ikaw na minsan eh nagbabasa din naman ng blog ko. Ikaw na palaging laman ng isip ko. Ikaw na palagi kong naiisip. Hangga’t maari eh titignan at titigna ko ang cellphone ko, ang email, ang online accounts mo, para malaman kung may bago kang mensahe o pagpapa-cute o pagpaparamdam. Di ko maiwasang isipin kung kumusta ka na, kung ano na lagay ng lalamunan mo, kung kumain ka na ba, kung busy ka ba, kung maulan ba diyan, kung ano yung panaginip mo na di mo na maalala paggising mo, kung san ka bibili ng mga damit na kailangan mo para sa parties na pupuntahan mo, kung ayos ba ang lagay mo diyan, kung naiisip mo din ba ako, kung naiisip mo din kaya yung mga naiisip kong plano para sa hinaharap, at kung ano kaya ang iniisip mo din kapag may spare time ka at akala mo wala kang maisip pero since di maiiwasang mag-isip eh may iniisip ka pa din.
Araw-araw mula paggising ko puro ikaw ang naiisip ko. Sa maniwala ka at sa hindi, oo, totoo yun. Marahil nakabuo na ako ng mundong “ikaw.” Ganito pala yun. Mahirap alisin at gibain dahil masarap sa pakiramdam. Oo, minsan eh nakakaburat kapag di nagtutugma ang mag inaasahan mo sa mga angyayari pero ang dabest dito, eh masarap angpakiram at lubos itong nakakapagpasaya sa iyo. Sabi nga doon sa isang nabasa ko, ang tanging alam lang daw niyang paraan ng pagmamahal ay ang magmahal ng truly, madly, deeply.
Naiintindihan ko na si ex-girlfriend. Hindi ganoon kadaling gawin ang paggiba sa mundong binuo mo para sa mahal mo. Isa pa, bakit mo gigibain kung masay aka naman diba?
O siya tama na nga. Epekto ata to ng sobrang lamig na panahon ditto sa tate.
Maagang maligayang pasko mga kabayan!

0 Response to “truly madly deeply”