Nakakapagod din pala yung palaging ikaw na lang ng ikaw ng ikaw ang inaasahan ano? Minsan naiisip ko, bakit kaya sa buhay kong ito, eh wala man lang akong taong kapamilya na sobrang a-idolin ko? Alam mo yun, yung tipong may mga taong magtuturo sa iyo o gagabay sa iyo para gawin ang isang bagay. Hindi na lang puro ikaw ang kailangang magtuklas sa sarili mo. Hindi nalang puro ikaw ang kailangang gumawa ng paraan para sa kanila. At dahil ikaw ang nakapag-aral at mas may alam, wala kang magagawa kundi sundin sila at gawin ang mga utos, mga pakisuyo at mga pagpapaturo nila ng madaming mga bagay-bagay.
Monthly Archive for January, 2010
Siyempre mabigat pa din yung mga paa ko noon. Parang may magnet ang lupang Pinas na ayaw akong pakawalan.
Nag-aya ang tatay na mamili ng mga sapatos sa Gateway sa Cubao. Sabi ko wag na ayus pa yung chucks ko. Mapilit siya. Minsan lang daw kami bumili ng orig na sapatos kaya wag na ako mag-inarte. Kumuha ako ng Adidas Stan Smith na sneakers. Yung tatay ko naman nakakuha ng Lacoste na sapatos.
Namimiss ko yung tunog ng mga patak ng ulan sa bubong noong bata pa ako sa prubinsiya namin sa Nueva Ecija. Nakaka-relax kasi. Gustong gusto ko yun kapag tanghali o kaya gabi tapos nakabalot ako ngkumot taps nakadantay yung mga paa ko sa kulay asul ko na unan na my pundang yari sa kulambo. Mmmmsarap! Yun ang perfect eksena ko ng relaxation noon.
Bata pa lang ako, batas na sa pamilya ang kumain ng sabay-sabay sa hapag. Walang antok antok. Hindi isyu kung busog ka pa o masakit ang tiyan, najejebs o nasusuka. Basta ang utos ng hari, kapag oras na ng kainan, dapat kang kumain sa ayaw at sa gusto mo.
“Igalang mo ang pagkain.” Bukambibig ni Itay sa akin noong maliit pa ako.
Siyempre hinding hindi ko malilimutan kung paano niya ipinapaliwanag na ang bawat butil ng bigas na sinasayang ko ay katumbas ng pawis ng mga magsasakang nagpakahirap para may makain kami. Hindi din siya nagkulang sa pagpapaalala kung gaano kami kasuwerte at may kinakain kami kumpara sa napakaraming mga batang walang makain sa lansangan. Continue reading ‘Pagkain sa tamang oras’
May nakapagsabi sa akin na sadyang masarap daw at nakakatulong sa pagjebs ang yosi. Tamang shit releaser ba. Di ako nagyoyosi pero parang natutukso akong subukan ito lalo na ngayong parang nagsisitigasan ang mga shits na dumadating sa buhay.
Pero siyempre napaisip ako. Cool pa ba magyosi sa panahong ito? Naalala ko naman ang mahina kong baga. Never naman ako nagka-hika pero alam ko noong bata ako halos di ako makahinga. May tb ata ako noon.
Sa kabilang banda, kung noong mga 50’s or 60’s siguro ako nabuhay at nauso angyosi, eh baka mapa-yosi din ako. Ang cool lang kasi sa mag larawan ng yosi o pag nagyoyosi ka.
Yung mga mahihiilg sa sining at mga pala-sining na kilala ko (patay at buhay) eh pala-yosi. Di ko sinasabing may kunek yun sa mga obra nila at disposisyon sa buhay ah. Baka lang nakakatulong din ang yosi para mapabilis ang pag-aalis ng shits sa buhay nila?
Well, kakaisip ko, naisip kong hindi na din ok ang mag-yosi these days. Bakit kamo? Continue reading ‘Yosi Break’
Ilang buwan din bago ako unang makalanghap ng di na gaanong fresh na simoy ng hangin sa daigdig noong Miyerkules, taon ng tiger para sa mga intsik, sa buwan ng pagdiriwang ng kaarawan ng pambansang bayani, ay tinangka ng aking ina na ipalaglag ako. yan ay base naman sa kwento sa akin ni mamang, yung lola ko (nanay ng tatay ko) na nag-alaga sa akin mula pagkapanganak hanggang sa lumaki na ako at natuto akong sagutin siya at saktan ang kanyang damdamin.
Panganay kasi ako. di lang sa aming magkakapatid, kundi panganay na apong lalaki din sa linya ng lahi ng tatay ko. Nabuo ako sa pagjujug ng sundalo kong ama at ng nars kong ina na ngakaligawan at nagkagustuhan dahil sa pambubuyo ni Tito M na asawa ng ate ng nanay ko. Sundalo si Tito M at magiging isa sa mga mahahalagang tao na tutulong sa amin sa hinaharap.
Anyways, sa tulong ni Aling Marietta, yung sikat na midwife noon sa prubinsiya namin, nailuwal ako mula sa sinapupunan ng aking ina sa bahay nina Mamang at noon ay buhay pang si Dadi (tatay ng tatay ko). Sa kaluma-lumaan kong photo album sa prubinsya makikita ang aking unang mga larawan. Maitim lahat, mukhang malusog naman, at nakahiga sa papag na nilatagan ng makapal na kumot na may tatak na AFP sa may bandang itaas. Continue reading ‘Back to square Juan’
Kumusta mga kabayan? Namiss ko kayo. Kumusta naman at ngayon lang ako ulit nakapagblog mula noon. Sobrnag busy sa trabaho. May pasok nga ako hanggang December 31 san ka pa? Di naman kasi uso ang holiday holiday dito sa Tate. Andmaing mga nangyari sa buhay, medyo na-lost ako magkwento.
Di ko tuloy alam kung papaano magsisimula. Well, siguro ang the best eh magsimula mula sa simula ano? Sige para mas maayos hehe. Magba-blog na ako ng mas matino. Harinawa. Nakakuha ako ng telepono na may camera so baka mas mapadalas ang pagpopost ko ng mga larawan dito.
Bago sumapit ang bagong taon, well, actually hanggang sumapit na ang bagong taon sa oras namin dito sa amerika, ang una kong ginawa ay tumawag ng tumawag sa taong gusto kong makausap o makasama ng buong taon. KAso palyado ata ang mga networks. Di nasagot ang tawag ko. Ang mga text messages ko palyado lahat. Late na ata nung nasend ang mag mensahe ko pero at least na-send pa din naman.
Di naman ako naniniwala na kung ano ang unang sinapit mo sa bisperas ng taon eh yun ang mangyayari sa iyo sa loob ng 365 days. Di din. Nasa iyo at sa kung papaano mo isasabuhay ang iyong buhay nakasalalay ang kapalaran mo. Ewan ko, pero may maganda akong vibes sa taon na ito. Madaming pagsubok na kailangang harapin, oo. Pero basta kasama mo ang mga taong mahal mo at handang tumulong sa iyo, walang hindi kakayanin!
Mabuhay ka kabayan!

SamComments