Back to square Juan

Ilang buwan din bago ako unang makalanghap ng di na gaanong fresh na simoy ng hangin sa daigdig noong Miyerkules, taon ng tiger para sa mga intsik, sa buwan ng pagdiriwang ng kaarawan ng pambansang bayani, ay tinangka ng aking ina na ipalaglag ako. yan ay base naman sa kwento sa akin ni mamang, yung lola ko (nanay ng tatay ko) na nag-alaga sa akin mula pagkapanganak hanggang sa lumaki na ako at natuto akong sagutin siya at saktan ang kanyang damdamin.

Panganay kasi ako. di lang sa aming magkakapatid, kundi panganay na apong lalaki din sa linya ng lahi ng tatay ko.  Nabuo ako sa pagjujug ng sundalo kong ama at ng nars kong ina na ngakaligawan at nagkagustuhan dahil sa pambubuyo ni Tito M na asawa ng ate ng nanay ko. Sundalo si Tito M at magiging isa sa mga mahahalagang tao na tutulong sa amin sa hinaharap.

Anyways, sa tulong ni Aling Marietta, yung sikat na midwife noon sa prubinsiya namin, nailuwal ako mula sa sinapupunan ng aking ina sa bahay nina Mamang at noon ay buhay pang si Dadi (tatay ng tatay ko).  Sa kaluma-lumaan kong photo album sa prubinsya makikita ang aking unang mga larawan. Maitim lahat, mukhang malusog naman, at nakahiga sa papag na nilatagan ng makapal na kumot na may tatak na AFP sa may bandang itaas.   

Sa tulong ng mga photo albums at sa mga naipon kong kwento ng aking Tito, mga Tita, Lolo at Lolo at Lola, nabuo ko ang imahe at naalala ko kahit papaano ang mga bahagi ng aking kabataan bago ko pa mapagtantong malabo pala ang aking mga mata at kaiba pala ang pagtingin ko sa mundo kumpara sa ibang mga batang kalaro ko.

Mula sa photo albums, may iba’t iba akong mga larawan na suot ang iba’t ibang mga damit. May naka pantulog, merong mga solong kuha na may dala akong bola ng basketball, may mga kuha na nakangiti, maymga pose na nakatawa, may mga kuhang umiiyak, naliligo, kumakain, naglalaro, at naka pose sa iba’t-ibang bahagi ng aming lumang bahay. May larawan din ng unang birthday cake, ng binyag at ng mga taong hindi ko naman kilala na may astigas na fashion style. Hehe.

So, sa bahay namin sa may bukid sa Nueva Ecija ako unang nakalanghap ng hangin sa mundo. Ilang taon din ako namuhay doon hanggang sa matuto akong magsalita, lumakad, umihi sa arinola, at jumebs ang nakaupo sa bowl na hindi natatakot sa higanteng gagambang bahay na naninirahan sa banyo sa likod-bahay.  Pagkaalis kasi ng nanay ko noon papuntang Saudi, sina Mamang, Dadi at ilang mga Tito at Tita na ang nag-alaga sa akin. Eto ang maikling intro at simula sa buhay ni Samjuan.

1 Responses to “Back to square Juan”


  • kaloka naman ang nanay mo. halos pareho tayo, sa linya ng nanay ko, ako ang panganay sa mga magpipinsan. bakit ka nagbabalik-tanaw?

    Reply

    samjuan reply on January 13th, 2010 5:17 pm:

    Hi kabayang andang!
    Mahal ko pa din naman ang nanay ko sa ibang lebel ng pagmamahal. Parang anggulo ata noon, haha.

    Ano lang napapaisip lang para makausad sa layp. baka may mapulot ako sa nakaraan hehe

    Reply

Leave a Reply