Namimiss ko yung tunog ng mga patak ng ulan sa bubong noong bata pa ako sa prubinsiya namin sa Nueva Ecija. Nakaka-relax kasi. Gustong gusto ko yun kapag tanghali o kaya gabi tapos nakabalot ako ngkumot taps nakadantay yung mga paa ko sa kulay asul ko na unan na my pundang yari sa kulambo. Mmmmsarap! Yun ang perfect eksena ko ng relaxation noon.
Nitong mga nakarang araw, muling nanumbalik sa akin yung nakaka-relax na alaalang iyon ng aking kabataan. Anak ng pokwang naman kasi binabagyo ang parteng ito ng Amerika. Kala mo naman nasa New York ako sa Washington. Jusmio ang hangin at ulan. Maghapong madilim aakalain mong uso ang eclipse nowadays. Nyemas. Namiss ko ang bagyo. At wag ka bumabaha din dito! Yay! Pinas na Pinas. Nasa Amerika ba ako? Hahahaha.
Panalo din ang mga patak ng ulan sa bubong ng pinagtatrabahuhan ko. Sorry na daw wala kaming kisame. Bubong na yero lang kaya naman dinig na dinig ko ang mga higanteng patak ng luha ng emo na panahon dito. At dahil diyan, parang bagyo din akong binabalikan ng mga alaala ng aking kabataan, ng mga simpleng hapon at gabi na hinehele ako ng mga tunog ng patak ng ulan.
Nakaka-miss kasi dito bihira ako magkaroon ng matinong tulog. Sa dami nginiisip mo at mga dapat isipin eh minsan kahit sa panaginip, naiisip mo pa din sila. Minsan naman nagpapapansin lang yung isip mo at kung ano ano mga napapanaginipan mo.
Buti sana kung pwedeng matulog dito sa opis eh. Kaso wala yung paborito kong asul na unan na may pundang gawa sa kulambo. Cannot be. Lalo pa na sa bansang ito ay hindi ka pwedeng magtulug-tulugan. Di pwedeng basta nalang takasan ang mga problema at inniisip. Dapat lagging palaban kabayan! Ohhyeh!
*ang pamagat ng entry na ito ay hiniram mula sa kanta ng bandang Rivermaya na Ulan.

Nung isang madaling araw, umambon dito sa Saudi. Wala akong bubungang yero pero narinig ko ang unti-unting pagpatak ng ulan sa aking A/C.
Buti na lang weekend. Kaya kahit naririnig ko na ang sabay-sabay na awitan sa mga mosque dito para tawagin ang mananampalataya ng Islam sa kanilang pang-umagang dasal, nakatulog pa rin ako ng mahimbing habang ipinaghehele ako ng ambon ng Saudi. Maiksi nga lamang s’ya pero hindi ko na narinig kung ano’ng oras natapos. Nasapawan na s’ya kaagad ng mahimbing at masarap na gunita ng aking kabataan sa Pinas. Hay, sarap…
Reply