Siyempre mabigat pa din yung mga paa ko noon. Parang may magnet ang lupang Pinas na ayaw akong pakawalan.
Nag-aya ang tatay na mamili ng mga sapatos sa Gateway sa Cubao. Sabi ko wag na ayus pa yung chucks ko. Mapilit siya. Minsan lang daw kami bumili ng orig na sapatos kaya wag na ako mag-inarte. Kumuha ako ng Adidas Stan Smith na sneakers. Yung tatay ko naman nakakuha ng Lacoste na sapatos.
Paikot-ikot kami ng mall, naghahanap ng mga dadalhin pa para bukas. Oo, kinabukasan na ang lipad papuntang Tate. Handa na ang mga bagahe. Ang utak at puso ko hindi pa. Malabo pa din kasi. Nyemas. Maiwan ako o sumama, parehong back to zero ang buhay ko. Wala naman kaming ari-arian sa Pinas. Ala kaming bahay. So kung maiiwan man ako, dapat makahanap ako ng matinong trabaho. Kung sasama ako, bagong buhay din naman na wala akong katiting na idea kung ano nga ba ang kakaharapin namin doon.
Nakatanggap ako ng text. Nagyayaya ng inuman yung mga kaibigan ko na nakilala ko sa internet. Inuman daw s amay Katipunan. Sige sugod naman ako. Pinayagan ako agad ni Itay. Di na siya humirit since iyon na marahil ang huling gimik ko at inuman sa Pinas.
Inom, kain kwentuhan,. Nakaka-miss. Siyempre nakaka-miss din yung mga tao doon. Sina maong Twig, Si kuya na mukhang Jalibi, Si Darth Vader, at shet di ko matandaan yung iba. Nag a la Cinderella ako noon dahil pinapauwi ako ni Itay ng 12. Baka daw kasi ma-jix pa ang byahe namain at harinawa eh walang mangyaring masama sa akin.
So 12 ng medaling araw, nasa gate ako ng Kampo ng mga sundalo sa Lungsod Quezon. Maglalakad pa ako ng mga tatlo o apat na kilometro bago makarating sa Barrio, kung saan kami pansamantalang nakitira (sa bahay ng Tito at Tita) bago kami umalis. Habang naglalakad ako, siyempre di ko maiwasang maisip yung posibleng mangyari sa Amerika, yung mag kaibigan ko na hindi ko pa nasasabihan tungkol sa aking paglisan, yung kawalan ng mga bwakananginang ilaw sa loob ng kampo ng gobyerno, kung may lalapa bas a aking mga aso, kung may mga multong magpapakita sa akin, kung matutupad nab a ang mga pangarap ko, kung magpaiwan kaya ako bigla, kung mas ok kaya sa Tate at kung ano ano pa.
Nakadating ako ng bahay mag a-ala una na ng madaling araw. Tulog na halos lahat ng mga tao maliban sa pinsan na nanonood ng TV na siyang nagbukas sa akin ng pinto.
Masakit yung mga paa ko. Masaya ang pakiramdam ko. Nae-excite ako. Natatakot din ako. Pero higit sa lahat parangmay mainit na namumuo sa pakiramdam ko. Alam mo yung pag inasara ka ng kalaro mo pero mali naman siya at gusto mongpautnayang tama ka? Parang ganun. Di ako nakatulog ng mahimbing noon pero alam ko nakatulog ako nang may ngiti.
Kinabukasan, suot ko na ang bagong Adidas Stan Smith Sneakers.

i know how it feels=)
gnun din aq kung my choice lng aq n maiwan sa pinas. naiwan n sana aq dun.. wat 2 do! but 2 go w/ d flow of lyf=)
add kta h?=)
Reply
Suotin mo rin yang Adidas Stan Smith Sneakers pagbalik mo. Patingin.
At pagpalain ka ng kalawakan!
Reply