Pagkain sa tamang oras

Bata pa lang ako, batas na sa pamilya ang kumain ng sabay-sabay sa hapag. Walang antok antok. Hindi isyu kung busog ka pa o masakit ang tiyan, najejebs o nasusuka. Basta ang utos ng hari, kapag oras na ng kainan, dapat kang kumain sa ayaw at sa gusto mo.

“Igalang mo ang pagkain.” Bukambibig ni Itay sa akin noong maliit pa ako.

Siyempre hinding hindi ko malilimutan kung paano niya ipinapaliwanag na ang bawat butil ng bigas na sinasayang ko ay katumbas ng pawis ng mga magsasakang nagpakahirap para may makain kami. Hindi din siya nagkulang sa pagpapaalala kung gaano kami kasuwerte at may kinakain kami kumpara sa napakaraming mga batang walang makain sa lansangan.  Golden

Gets ko naman ang punto ni Itay. Mahalagang igalang ang pagkain. Dapat kumain at di aksayahin ang pagkain. Check. Pero ang di ko lang magets, dpat ba laging namimilit sa pagkain?

Heto halimbawa, sa bahay, kahit noong nasa PInas pa kami, pagpatak ng alas siete ng umaga o alas sais, alas dose sa tanghali at madalas alas siete ng gabi, o basta kung kailan natapos na sila/kami magluto, dapat diretso hain na. Bawal umangal. Kahit pagod ka, inaantok, di ka pa nakakabihis galing school o trabaho, o sadyang busog ka lang talaga, dapat humarap ka sa hapag. Batas nga eh. Ok lang nga na kumain at alam ko naman ang halaga ng pagkaing nakahain. Eh paano kung busog ka pa diba? Mas lalong may masasayang kapag nagkataong isusuka mo lang yun kinain mo.

Ang kinakainisan ko lang talaga eh yung parte ng pamimilit. Isa pa, bakit ba kailangang sundin ang oras? Yung oras ba ang kumakain at hindi yun tao? Di pwedeng maging flexible?

Nitong nakaraan kasi,nagka sermunan galore na naman sa bahay noong dumating ako na medyo late dahil sa mga bawakanang bus na matagal na nga dumating eh ambagal pa ng takbo. So siyempre pagdating ko galit na nag Itay. Gutom na daw siya. Kakain na daw. OK, sabi ko. Pero magbibihis muna ako at maghihilamos. Ang kapatid ko tulog sa kwarto. Pagod ata sa eskwela. Paglabas ko ng banyo, tenen! Sermon galore con todo galit na si Itay. Di na lang kami nagsalita. Sa galit niya,  hindi na daw siya magluluto kinabukasan. Sabay sabay nga kami kumain. Masarap na hapunan? Sana.

Kinabukasan, nagluto pa din ng pagkain ang tatay.

1 Responses to “Pagkain sa tamang oras”


  • magandang batas yan na sana na-implement sa pamamahay namin. ang benefit/s? sa kalusugan. dahil diyan, wala kang sakit sa sikmura. sabi ng tiyahin ko, kahit inaantok ka dapat daw kumain tapos matulog ka nalang ulit kse di maganda sa katawan yon lalo na sa sikmura. oh diba, lumaki kang healthy. minsan lang nakakainis kapag pagod, pero ginagawa nyo pa rin. ^_^

    Reply

Leave a Reply