Samjuan ay nakikita, Samjuan ay nasisisi

Nakakapagod din pala yung palaging ikaw na lang ng ikaw ng ikaw ang inaasahan ano? Minsan naiisip ko, bakit kaya sa buhay kong ito, eh wala man lang akong taong kapamilya na sobrang a-idolin ko? Alam mo yun, yung tipong may mga taong magtuturo sa iyo o gagabay sa iyo para gawin ang isang bagay. Hindi na lang puro ikaw ang kailangang magtuklas sa sarili mo. Hindi nalang puro ikaw ang kailangang gumawa ng paraan para sa kanila. At dahil ikaw ang nakapag-aral at mas may alam, wala kang magagawa kundi sundin sila at gawin ang mga utos, mga pakisuyo at mga pagpapaturo nila ng madaming mga bagay-bagay.

OK lang. Sabi nga ng isang kaibigan, “Sino ba naman ako para tumanggi?” Sino nga ba naman ako diba? Kung ako naman ang tatanggi eh bubulabugin ako magdamag ng kunsensiya ko.

Hayun. Kaya naman kapag may mga taong nagtuturo sa akin ng mga bagong bagay, o nagbibigay ng tulong, ay sobrang nabibigyan ko ng pagpapahalaga. Peksman!

Madalas nangangarap din ako ng may kalayanag buhay. Kalayaan in the sense na pwede kang mamuhay na walang nangingialam ng bawat kilos mo at walang utos ng utos sa iyo. Kalayaan in the sense na hawak mo yung buhay mo. Tipong kapag pagod ka eh di matulog ka, di yung kailangan mo munang gawin ang mga madaming bagay na obligasyon mo bago ka makapagpahinga. Simple lang naman ang hiling kong iyon. Inner peace ba. Anyways, may utos ang bosing ko. BRB.

0 Response to “Samjuan ay nakikita, Samjuan ay nasisisi”


  • No Comments

Leave a Reply