May nakapagsabi sa akin na sadyang masarap daw at nakakatulong sa pagjebs ang yosi. Tamang shit releaser ba. Di ako nagyoyosi pero parang natutukso akong subukan ito lalo na ngayong parang nagsisitigasan ang mga shits na dumadating sa buhay.
Pero siyempre napaisip ako. Cool pa ba magyosi sa panahong ito? Naalala ko naman ang mahina kong baga. Never naman ako nagka-hika pero alam ko noong bata ako halos di ako makahinga. May tb ata ako noon.
Sa kabilang banda, kung noong mga 50’s or 60’s siguro ako nabuhay at nauso angyosi, eh baka mapa-yosi din ako. Ang cool lang kasi sa mag larawan ng yosi o pag nagyoyosi ka.
Yung mga mahihiilg sa sining at mga pala-sining na kilala ko (patay at buhay) eh pala-yosi. Di ko sinasabing may kunek yun sa mga obra nila at disposisyon sa buhay ah. Baka lang nakakatulong din ang yosi para mapabilis ang pag-aalis ng shits sa buhay nila?
Well, kakaisip ko, naisip kong hindi na din ok ang mag-yosi these days. Bakit kamo?
Una, andami nang nagyoyosi sa panahon ngayon. Eh kumusta ka naman bilang pandagdag sa polusyon ng daigdig. Pangalawa, di gaya noong unang panahon na di hamak na mas malinis pa ang hangin at di pa gaanong madami ang nagyoyosi sa daigdig, mas maliit ang pagkakataon na maging sanhi ng madalian mong pagkatigok ang pagyoyosi. Ganito langyan eh, para bang noon, yung mag tao, can afford nila ang mag-isip ng matagal at pumetiks at mamilosopo sa mga bagay bagay dahil andami nilang oras na libre. Sa panahon ngayon, napakarami nang distractions at anlaki na ng pinagbago ng mundo kaya ang mga tao, di na masyadong nagiging palaisip.
Anyways back to yosi. Magyoyosi ba ako para majebs nang mabilis? Ewan. Not in the near future siguro kasi madami namanakong paraan na pwedeng gawin para majebs agad.ang jebs parte yan ng buhay. Lalabas at lalabas din yan kahit gaano pa katigas. May paraan din par amapalabas ito ng pwersahan. Ang mahalaga, siguraduhing makakapaghugas ka ng mabuti pagkatapos ng bawat jebs session mo.

Wow ah, may koneksyon talaga ang “shit releaser” sa “shits ng buhay”. Ayos ah!
Reply
ahaha..nice..ako din dati najejebs kapag nag-yoyosi..peru nag-stop na ko mag-smoke kasi ampanget tingnan sa gurl un saka masama nga talaga sa kalusugan un..madami namang paraan para matae ka..hahaha
try mo magkape o pineapple juice..hahaha(feeling close?!)
Reply
sus! papaya lang katapat niyan. gaganda pa balat mo. ^_^
Reply